^

PSN Showbiz

Pops ni-reject ang offer na teleserye­­

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May mga alok na pala kay Pops Fernandez na gumawa ng teleserye pero ito’y kanyang tinatanggihan dahil singing, performing, and hosting pa rin ang kanyang priority at pangalawa ay ang negos­yong pinapatakbo.

More than acting, mas gusto pa rin ng ex-wife ni Martin Nievera na pagtuunan ng pansin ang kanyang pagiging concert perfomer kung saan siya nakilala bilang Concert Queen pa nga. Looking forward din siya ng panibagong hosting job sa telebis­yon. Habang hindi pa ito dumarating ay pinagkakaabalahan niya ang kanyang pagiging show producer na kanyang minana sa kanyang inang si Dulce Lukban. Si Pops ngayon ang nagpapatakbo ng DSL Productions na itinatag ng kanyang ina. Halos lahat ng mga solo major concert noon ni Pops sa malalaking venues tulad ng Araneta Coliseum, Folk Arts Theater, Ultra, at Rizal Coliseum ay produced ng DSL Productions ng kanyang ina. 

Bato sa Buhangin singer naaalala tuwing birthday ni FPJ

Kung buhay pa sana si Da King na si Fernando Poe, Jr., he could have cele­brated his 74th birthday nung nakaraang Aug. 20, na nagkataong kasagsagan ng bagyo at baha ng Metro Manila at maraming bahagi ng Luzon. Ka-birthday ni FPJ ang yumaong singer ng hit song na Bato sa Buhangin na si Yolly Samson-Ilacad. Nagkataon naman na paborito ni FPJ ang awiting Bato sa Buhangin, na naging theme song ng hit movie nila noon ng Star for All Seasons now Batangas governor Vilma Santos. 

Si Yolly ang female lead vocalist ng grupong Cinderella bago siya nag-solo. Bukod sa Bato sa Buhangin ay naging hit song din ni Yolly ang Sa A­king Pag-iisa. Si Yolly ay ang yumaong misis ng music executive na si Chito Ilacad, nakababatang kapatid ng OctoArts big boss na si Orly Ilacad.

Samantala, kahit may ilang taon nang namayapa si FPJ, buhay na buhay pa rin ang kanyang mga nagawa at naiwang pelikula. Hindi man natuloy ang kanyang sinimulang political career, ipinagpatuloy naman ito ng kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares na siyang nangunang senador sa huling halalan.

Jayson sumikat sa panggagaya kay Boy Abunda

Tuluyan nang napag-iwanan ni Jayson Gainza ang lahat ng kanyang mga kapanabayan noon sa Pinoy Big Brother (PBB) dahil mag-isa na lamang siyang patuloy na gumagawa ng pangalan sa larangan ng pagpapatawa. 

Malayo na ang narating si Jayson at patok sa televiewers ang kanyang pag-i-impersonate sa King of Talk na si Boy Abunda o Kuya Bhoy ng Ihaw Na segment ng gag show na Banana Nite. Kung malalaking pangalan ang nakaka­pa­nayam ni Boy sa kanyang original Ikaw Na segment sa nightly news program na Bandila, hindi rin nagpapahuli ang komedyante bilang si Tito Bhoy sa kanyang portion sa gag show gabi-gabi.

ALL SEASONS

ARANETA COLISEUM

BANANA NITE

BATO

BOY ABUNDA

BUHANGIN

KANYANG

SI YOLLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with