Sarah umapir sa hearing, isyu sa panganganak tameme pa rin
PIK: Nakipag-bonding kay Regine Velasquez ang Yllana brothers na sina Anjo, Jomari, at Ryan sa Sarap Diva na mapapanood ang episode bukas ng umaga.
Bukod sa paboritong breakfast recipe na inihanda ni Anjo, nagkaroon ng rebelasyon sa mga magkakapatid at naging madamdamin ang mga pahayag nina Jomari at Ryan sa kanilang kuya na tumayong ama ng pamilya.
Matinding hirap din ang pinagdaanan ni Anjo sa nakaatang na responsibilidad sa kanya bilang haligi ng kanilang pamilya.
PAK: Nakakaaliw ang relasyon nina Ynez Veneracion at Mon Confiado na kahit matagal na silang hiwalay bilang magkasintahan, nanatili silang magkaibigan.
Parehong nagsikap ang dalawa at nakapagpundar para sa sarili.
Nakapagpatayo si Mon ng bahay sa Antipolo, Rizal na ibinenta rin niya pagkalipas ng ilang taon.
Ibinenta ng aktor ng P12 million na binili pala ni Ynez na ikinataas ng kilay ng karamihan.
Sabi ni Ynez, inipon niya ang mga kita niya sa pagsu-show sa ibang bansa. Hindi na raw niya pinapansin ang ilang naiintriga sa mga kinita niya.
“Sa mga naiintriga, inggit lang sila. Basta pinaghirapan ko ‘to sa mga pagsu-show ko abroad.â€
BOOM: Sumipot si Sarah Lahbati sa hearing kahapon ng kasong libel na isinampa ni Atty. Annette Gozon-Abrogar laban sa balikbayang aktres.
Hindi naman kailangang dumalo si Sarah kaya nagulat ang abogado nitong si Atty. Maggie Abraham nang dumating ito.
Gusto lang ma-experience ni Sarah ang hearing para hindi na siya magulat sa arraignment.
Dininig muna nila ang Motion to Quash na isinumite ng kanyang abogado kaya magkakaroon ng hearing sa Sept. 18 na hindi pa tiyak kung itutuloy ang hearing nito.
Hindi nagpa-interview si Sarah sa media na nag-cover sa naturang hearing at hindi pa rin niya sinasagot ang isyu kung totoong nanganak na nga siya.
- Latest