El Presidente nasa video na
MANILA, Philippines - Ang El Presidente, na hango sa buhay ng unang Presidente ng Republika ng Pilipinas na si Heneral Emilio Aguinaldo, ay ginawa upang magbigay ng karangalan sa larangan ng pelikula sa Pilipinas. Ito nga ang nangyari nang humakot ang pelikulang ito ng 44 na parangal – 15 mula sa FAMAS, 8 mula sa Star Awards, 8 mula sa MMFF, 7 mula sa Gawad Pasado, 5 mula sa Luna Awards, at isa mula sa Soho International Film Festival sa New York, kung saan napanalunan nito ang Best World Showcase laban sa Canada, South Korea, India, Germany, Russia, at ilan pang bansang nakilahok.
Mula sa direksiyon ni Mark Meily (FAMAS at STAR Awards Best Director, at FAMAS Best Story at Screenplay), ang El Presidente ay talagang pinagkagastusan na umabot sa humigit-kumulang na 100 milyong piso. Lubos na maipagmamalaki ang engrandeng produksyon at ang de-kalibreng pagganap ng buong cast na pinangungunahan nina Jeorge “E.R.†Estregan (FAMAS, STAR Awards, at GAWAD PASADO Best Actor), Nora Aunor, Christopher de Leon, Cristine Reyes, at Cesar Montano (FAMAS at MMFF Best Supporting Actor). Sa wakas, ito ay palabas na sa video.
Ang pelikula ay base sa librong Gunita ng HimagÂsikan na isinulat ni Heneral Emilio Aguinaldo. Isinasadula ng El Presidente ang buhay ni Heneral Emilio Aguinaldo na siyang responsable sa paglikha ng bandila ng Pilipinas, ng Pambasang Awit, ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas, unang KonsÂtitusyon ng Pilipinas, at ng unang Demokratikong Republika sa Asya.
Napapaloob dito ang pamumuno ni Aguinaldo sa lupon ng mga Katipunero sa Cavite sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila at Amerikano. Pinakita rin ang naging hindi pagkakasundo nila ni Andres Bonifacio (Magdalo at Magdiwang), ang kanyang sariling agam-agam, at ang kanyang kagitingan sa pagdala sa bayan tungo sa independencia, kalayaan, at kasarinlan ng Las Islas Filipinas.
Gawing parte ng inyong koleksyon ang makabuluhang pelikulang ito. Nagwagi ng limang Best Picture sa FAMAS, STAR Awards, LUNA, Gawad Pasado at SOHO International Film Festival, ang El Presidente ay mabibili na sa orihinal na DVD sa halagang 600 at VCD sa halagang 299, sa mga pangunahing video stores sa bansa. Mula sa Viva Video, Inc.
- Latest