^

PSN Showbiz

Pagkikita nina MVP at Juday nabiktima ng bagyo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahapon naka-schedule ang meeting nina Ryan Agoncillo at manager niyang si Noel Ferrer with the TV5 management pagkatapos ng Talentadong Pinoy.

Ang sabi, isang franchise daily game show ang ino-offer kay Ryan, pero hindi pa lang alam kung tatanggapin dahil may offer ang ibang channel. Hintayin natin kung mananatili sa TV5 ang TV host-actor o lilipat sa ibang network.

Samantala, may naka-schedule sanang dinner si Judy Ann Santos kay Mr. Manny V. Pangilinan this week pero hindi natuloy dahil sa bagyo. May offer din ang TV5 sa misis ni Ryan at ‘pag pareho nilang tinanggap ang offer, malaki ang posibilidad na pagsamahin sila sa isang show.

Bagong show ng GMA, walang kasiguruhan ang time slot

Ano ba talaga ang time slot ng Prisesa ng Masa, isa sa bagong show ng GMA Network? May nagsabing ang show na ito ang ipapalit sa Binoy Henyo at ibig sabihin bago mag-24 Oras ito mapapanood.

Ang bagong balita, ang Prinsesa ng Masa ang ipapalit sa Anna Karenina na ikinatuwa ng fans nina Kris Bernal at Aljur Abrenica dahil balik-primetime raw ang favorite love team nila. Kaya lang, ang Genesis ni Dingdong Dantes ang sinasabing ipapalit sa Anna Karenina.

Naalala namin, nabanggit ni Atty. Annette Gozon-Abrogar na originally, para kay Sarah Lahbati ang Prisesa ng Masa pero dahil sa mga nangyari sa GF ni Richard Gutierrez at sa network, naiba ang plano at ibinigay kay Kris ang project.

Babagwa ipalalabas sa Vancouver International Filmfest

Pinost ni director Jason Paul Laxamana ang invitation ng East Asian Cinema para sa Babagwa o Spider’s Lair na mag-compete sa Dragon and Tigers Awards for Young Cinema sa Vancouver International Film Festival. Sabi sa Wikipedia, ang nasabing award ay para sa film director from Asia-Pacific region. Gaganapin ang VIFF mula September 28 to October 4.

Ang Babagwa ang nag-number one sa box office sa New Breed category nang nakaraang Cinemalaya 2013 at nagpanalo ng best supporting actor kay Joey Paras. Nagpakita rin ng husay sa pag-arte si Alex Medina at iba pang cast ng movie gaya ni Alma Concepcion at Chanel Latorre.

May commercial run ang Babagwa simula sa September 18 with two versions. Ang R-16 version ay exclusive sa SM cinemas at ang R-18 version ang mapapanood sa ibang mga sinehan. May special screening din ang movie sa Cine Adarna sa UP Diliman sa August 29.

Kapuso aktor na si Ruru tambak ang trabaho

Ang suwerte ni Ruru Madrid dahil dalawang new shows ang gagawin niya sa ng GMA Network. Kasama siya sa cast ng Akin Pa Rin Ang Bukas at nasa cast din siya ng Dormitoryo. Nasa Sunday All Stars din ang bagets, kaya ‘pag umere na ang dalawang shows, Sunday to Friday na siya regular mapapanood sa TV.

Bukod sa TV shows, may indie films din si Ruru, kaya kung hindi pa magsisipag at kikilos si Jeric Gonzales na winner ng Protege 2  baka mas mauna pang sumikat sa kanya si Ruru.

Magkasama naman sina Ruru at Max Collins sa indie film na Bamboo Flowers sa direction ni Maryo J. Delos Reyes at kasama sa Sining Pambansa National Film Festival All-Masters Edition at showing sa September.

AKIN PA RIN ANG BUKAS

ALEX MEDINA

ALJUR ABRENICA

ALMA CONCEPCION

ANG BABAGWA

ANG R

ANNA KARENINA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BABAGWA

BAMBOO FLOWERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with