^

PSN Showbiz

Hindi kasi sanay sa Englisan actress-tv host nag-nose bleed sa batang contestant ng kanyang show

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nilibre pala ni Barbie Forteza si Derrick Monasterio ng sine nung sinilebrayt nito ang kanyang kaarawan.

Magkasunod nilang ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan pero si Barbie muna ang nag-treat kay Derrick, kaya nilibre niya ito ng sine.

Nung nakaraang Linggo lang nag-celebrate si Derrick ng kanyang 18th birthday na ginanap sa Nayon ng Kabataan sa Mandaluyong City.

PAK: Naaliw kami sa kuwento ng actress/TV host na merong bagong programa na kung saan may mga ilang contestants siyang ini-interview.

May isang batang contestant na in-interview ni actress/TV host na englisera kaya napasabak sa pagi-english si actress/TV host.

Hirap na hirap si aktres dahil hindi naman talaga siya sanay sa Englisan.

Pagkatapos ng interview ay umalis na si actress/TV host. Pero ang ginawa ng mga writers biniro ang batang contestant na isinugod daw sa hospital si aktres dahil nagka-nose bleed daw ito.

Hindi na-get ng batang englisera ang “nose-bleed” na biro sa kanya kaya natakot ito at iyak siya nang iyak.

Ang tagal bago napatahan ang batang contestant dahil parang sinisisi nito ang sarili kaya nagka-“nose bleed” daw si actress/TV host.

BOOM: Hindi matutuloy ang arraignment ngayong araw ni Sarah Lahbati sa kasong Libel na isinampa ni Atty. Annette Gozon-Abrogar laban sa kanya.

Nag-file pala ang abogado nitong si Atty. Maggie Abraham ng Motion to Quash kaya iyun muna ang didinggin sa korte.

Hindi kami sinagot ng abogado ni Sarah kung dadalo ito, pero ang tiyak daw ay sa arraignment.

Ang dinig namin, bumalik na raw ng bansa si Sarah. Siya kaya ang kasabay ni Richard Gutierrez na dumating kamakalawa lang?

ANNETTE GOZON-ABROGAR

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DERRICK MONASTERIO

ENGLISAN

HIRAP

MAGGIE ABRAHAM

MANDALUYONG CITY

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with