^

PSN Showbiz

Reconciliation walang pag-asa aktor galit na galit sa nadiskubreng anomalya ng asawa

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Imbyernang-imbyerna raw ang isang aktor sa kanyang estranged wife  dahil may na-discover siya na malaking anomalya.

Ang anomalya raw ang dahilan kaya tuluyan nang na-turn off si mister kay misis as in wala nang reconciliation na magaganap. Tanggap na ng aktor na may kanya-kanya na silang buhay kaya hindi na siya magiging trying hard na makipagbalikan sa esposa niya.

Pagkain sa taping pinamigay nina Dingdong at Marian sa mga binaha

Miri pala ang pangalan ng karakter ni Rufa Mae Quinto sa Ang Huling Henya kaya imbes na Maring,­ sinadya niya na tawagin  na Miring ang bagyo na  nag-iwan ng malaking pinsala sa Luzon at Metro Manila.

Special holiday kahapon at kahit baha pa sa maraming lugar, tuloy ang buhay para sa mga Pilipino.

Kanselado pa rin ang mga taping ng mga teleserye pero ipinagmalaki ni Carla Abellana na tuluy-tuloy ang taping nila kahapon para sa My Husband’s Lover. No match daw sa kanila si Maring.

Nakansela ang taping ng Genesis noong Martes kaya tumulong na lang si Dingdong Dantes sa pagpapakain sa mga residente sa Roxas District, Quezon City na biktima ng baha.

Lumubog sa tubig baha ang Roxas District dahil sa pag-apaw ng tubig sa creek na nagdurugtong sa New Manila.

Kasama ni Dingdong sa pamamahagi ng pagkain ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera. Nagpapasalamat ang mga residente ng Roxas District kina Dingdong at Marian dahil sa kagandahan ng kanilang mga kalooban.

Ang Genesis ang upcoming teleserye ni Dingdong sa GMA 7 at co-stars niya sina Rhian Ramos at Lorna Tolentino.

Protesta sa Miss World sa Indonesia, expected na

Lilipad na si Megan Young sa Indonesia sa September 3 dahil sa September 28 na ang coronation night ng Miss World 2013.

Sandali na lang ang ipamamalagi ni Megan sa bansa at puro training ang kanyang aasikasuhin kaya limitado na ang mga guesting niya.

Umaasa ang mga Pinoy na maiuuwi ni Megan ang mailap na korona ng Miss World.

Marami ang nakapansin na lalong gumanda si Megan mula nang mapanalunan niya ang Miss World Philippines crown and title. Bagay na bagay sa kanya ang korona na suot niya sa mga TV guesting.

Isang Muslim country ang Indonesia at konserbatibo ang kanilang mga pananaw tungkol sa mga beauty pageant.

Huwag tayong magulat kung magkaroon ng mga kilos protesta laban sa Miss World dahil hindi tanggap sa mga Muslim country ang mga babae na nagpapakita ng balat. Puwede rin na baguhin ng Miss World organizer ang mga swimsuit na gagamitin ng mga kandidata para hindi ma-offend ang ating mga kapatid na Muslim.

THEA emosyonal pa rin sa Pyra

Pormal na ipapakilala ngayon ng GMA 7 si Thea Tolentino bilang bida ng  Pyra, Babaeng Apoy.

Mag-expect tayo na magiging emosyonal uli si Thea sa pagharap nito sa entertainment press dahil overwhelmed na overwhelmed siya sa big break na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network.

May pressure na nararamdaman si Thea. Nakasalalay sa kanya ang tagumpay ng afternoon teleserye na pinagbibidahan niya. Hindi madali ang maging bida ng isang TV show dahil  sila ang masisisi kapag hindi nag-rate ang kanilang programa.  Suportado ng GMA 7 ang journey to stardom ni Thea dahil maya’t maya ang plugging nila sa Pyra, Babaeng Apoy.

vuukle comment

ANG GENESIS

ANG HULING HENYA

BABAENG APOY

DAHIL

MEGAN

MISS WORLD

PYRA

ROXAS DISTRICT

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with