^

PSN Showbiz

Showbiz naperwisyo ng bagyo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Halos lahat ng tapings ng mga programa sa tatlong malalaking TV network ay na-pack up na kahapon dahil sa patuloy na pagsusungit ng panahon.

Ang Genesis lang ni Dingdong Dantes ang tuloy pa rin ang taping dahil interiors lang naman ang kukunan. Pero, as of press time, mukhang pinag-iisipan pa kung itutuloy nila dahil hirap pa rin sila kumilos gawa nang patuloy na pag-ulan.

Mas pinag-uukulan ng pansin ng mga taga-media ang pag-monitor sa mga nabahang lugar at pagtulong sa mga nasalanta.

Dito nakikita ang pagkakaisa ng mga Pinoy sa pagdarasal na malagpa­san natin ito at kung paano pa makakatulong sa mga nangangailangan.

PAK: Kahit bumabagyo ay sinilebreyt pa rin ni Mother Lily Monteverde ang kanyang 74th birthday na ginanap sa Gloria Maris restaurant sa San Juan City nung isang gabi.

Simple lang ang selebrasyon ni Mother. Gusto lang niyang magpasalamat sa lahat na blessings na dumating at healthy pa rin siya.

Si Kris Aquino, kasama ang kapatid nitong si Ballsy at ang bunsong anak na si Bimby, ang ilan sa mga pinakaunang dumating para batiin ang Regal Entertainment, Inc. matriarch.

Naaliw lang kami sa isa sa sinabi ni Mother Lily na kung mamamatay daw siya at may susunod pang buhay ay gusto raw niyang makapag-asawa ng bading.        

 BOOM: Nakakaintriga ang isa sa mga mensahe ni Jackie Forster sa kanyang Instagram na ipinarating kay Isabel Oli.

Bahagi ng mensahe nito sa Kapuso actress: “Please do not play ignorant or stupid by blocking people who tag me on your video OF MY CHILDREN on your open public profile just because you are kissing someone ass to get that clip. It’s one thing do some desperate things and play ignorant its another to go out of your way to delete my name and block those who care like @nestiewu and @itsanneray. I hope you remember me from class with ate @beverlyvergel and @abbycluz because form now on I will never forget you.

“So a disappointed to hear this kind of news from followers…specially because you are a Christian. Maybe you’ll understand the pain your simple action has caused once you too have children of your own.”

As of this writing, hindi pa rin sumasagot ang manager ni Isabel na si Becky Aguila kung ano ang sagot ng aktres tungkol dito.

                                             

vuukle comment

ANG GENESIS

BECKY AGUILA

DINGDONG DANTES

GLORIA MARIS

ISABEL OLI

JACKIE FORSTER

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with