^

PSN Showbiz

Jackie Forster may kaaway, sagad kung manira; Kahit Kapamilya, Megan umiikot sa mga show ng GMA; Birth anniversary ni FPJ inaalala!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ginunita kahapon ang 74th birth anniversary ni King of Philippine Movies Fernando Poe, Jr.

Ipinakita kahapon ni Sen. Grace Poe sa Umagang Kay Ganda ang museo ni FPJ.

SCENE: Ngayon ang 30th death anniversary ni Senator Ninoy Aquino. Ngayon ang 60th birthday ni Phillip Salvador na former live-in partner ng anak ni Ninoy na si Kris Aquino.

SEEN: Kabilang sina KC Concepcion, Miriam Quiambao, Arnell Ignacio, at Anne Curtis sa mga celebrity na active sa pagbibigay ng updates sa Twitter tungkol sa baha at bagyo na ilang araw nang nanalanta sa Metro Manila at Luzon.

SCENE: Hindi natinag ng habagat at bagyong Maring ang The Ryzza Mae Show. Live kahapon ang morning program ni Ryzza Mae Dizon na nagdasal para sa kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga biktima ng baha at bagyo.

SEEN: Replay kahapon ang It’s Showtime ng ABS-CBN dahil sa masungit na lagay ng panahon.

Rain or shine, live ang telecast kahapon ng Eat Bulaga at ng Juan for All All for Juan sa Barangay Paang Bundok, Quezon City.

SCENE: Si Paolo Bediones at ang Rescue5 Team sa kanilang rescue operations kahapon sa Pasay City. Hindi makalabas ng mga tahanan ang mga residente ng Pasay dahil sa mataas na tubig baha.

SEEN: Masipag mag-comment sa isang entertainment website ang isang malapit kina Andre at Kobe Paras. Anonymous ang alias na ginagamit ng tao na sagad ang paninira kay Jackie Forster, ang tunay na ina nina Andre at Kobe.

SCENE: May guesting kahapon si Megan Young sa Unang Hirit ng GMA 7 bilang Miss World Philippines 2013.

Ang GMA 7 ang media partner ng Miss World Philippines kaya ang mga guesting sa Kapuso programs ang priority ni Megan.


 

 

ALL ALL

ANNE CURTIS

ARNELL IGNACIO

BARANGAY PAANG BUNDOK

EAT BULAGA

GRACE POE

JACKIE FORSTER

KAHAPON

KING OF PHILIPPINE MOVIES FERNANDO POE

MISS WORLD PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with