^

PSN Showbiz

Kahit Chinese Mother Lily walang paki sa ghost month

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi naniniwala sa ‘tradisyon’ ng ghost month si Mother Lily Monteverde na nag-celebrate ng kanyang 74rth birthday last Monday. Kung tutuusin ay Chinese si Mother Lily pero nakakagulat na hindi niya pina-practice ito. Kabaliktaran ito sa pininiwala ni Kris Aquino.

Kaya naman tuluy ang shooting ng pelikula ng Regal Films. Eh ‘yung movie nina Bimby at Ryz­za Mae Dizon with Vic Sotto and Kris, sa September 8 pa mag-uumpisa dahil nga sa ghost month daw.

“Wala kaming ganun,” sabi ni Mother Lily sa kan­yang birthday celebration last Monday sa Gloria Maris in Greenhills kung saan isa si Kris kasama si Bimby at kapatid niyang si Balsy sa mga bisita niya.

Pero hindi na namin inabutan si Kris. Maaga raw itong umalis.

Ang sabi, ang ghost month daw ay nagsisimula sa first week ng August kung saan bad time ito para mag-stroll sa gabi, mag-travel, lumipat ng bahay at magbukas ng bagong negosyo. At ang mga taong naniniwala raw dito ay hindi nagsi-swimming dahil maraming nagkalat na ispiritu sa tubig ayon sa isang website. Matatapos ito first week ng September.

Anyway, going back to Mother Lily’s birthday dinner, intimate lang ang naging celebration last Monday kasama ang ilang kaibigan sa press. Dumating ang mga anak niyang sila Roselle, Dondon, and Meme.

Present din sina Direk Mel Chionglo, Direk Manny Valera, talent managers Arnold Vegafria and Girlie Rodis, Ms. Malou Choa-Fagar, writer and actress Raquel Villavicencio, Ricky Davao and GMA 7 executive Ms. Redgie Magno.

Happy birthday Mother Lily. Cheers.

Matapos magkawindang-windang ang coverage Miss World ire-replay

Ang bagyong Maring pala naman ang dahilan kaya nagkanda-windang-windang ang coverage ng Miss World Philippines last Sunday night na umere sa GMA 7.

Paliwanag ni Mr. Arnold Vegafria  vice president of Ms. World Philippines at producer ng coronation night na nasa dinner nga ni Mother Lily, hindi gumana ang satellite from Solaire Hotel kaya hindi mabilis na na-transmit ang copy ng presentation.

So manual ang ginawa nila. Kailangang dalhin by land ang copy ng video na hindi puwede sa email dahil masyadong mabigat ang file eh kaso baha so walang malusutan kaya ang naisip nilang solution ay ipadala sa motorcycle para makalusot.

Kaso ilang minutes din ang kailangang hintayin. Kaya ang nangyari, naging paulit-ulit ang commercial hanggang nainip na ang mga viewers dahil inabot ng past 2:00 a.m ang airing.

Wala raw silang choice dahil force majeure ang nangyari kaya ire-replay na lang daw ang airing ng coronation night ng Miss World 2013.

Ang puna naman ni Direk Manny, sa buong presentation ng beauty pageant walang ipinakitang audience. Ang explanation ni Mr. Vegafria, high rollers ang nasa audience, as in yung mga nagka-casino sa Solaire kaya hindi puwedeng tutukan ng camera. ‘Yun daw iba doon ay hindi pa nakabihis dahil mga naglalaro lang.

Nakatanggap kasi nang katakut-takot na alipusta ang coronation night ng Miss World Philippines kung saan si Megan Young ang kinoronahan.

ARNOLD VEGAFRIA

BIMBY

DIREK

DIREK MANNY

MISS WORLD

MISS WORLD PHILIPPINES

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with