^

PSN Showbiz

Megan Young inaasahang mananalo sa Miss World

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Kay Megan Young nakatutok mamaya sa coronation night ng Ms. World 2013 kung makukuha nito ang korona.

 Kasali rin ang dating girlfriend ni Polo Ravales na si Bianca Paz na ilang beses na ring nakasali at ‘di nagwagi sa ilang beauty pageant.

Isa pang aabangan ay ang partisipasyon ng cast ng My Husband’s Lover na pinangungunahan nina Dennis Trillo, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Victor Basa at Kuh Ledesma.

Mapapanood mamayang gabi sa Sunday Night’s Box-office ng GMA 7.

PAK : Ang tandem na Tom-Den ang kasama sa most-applauded sa nakaraang I Write the Songs concert ni Ogie Alcasid na ginanap sa SM-MOA Arena  kamakalawa ng gabi.

Pero ang isa sa mga special guest na kinairitahan ng karamihan ay si Anne Curtis na hindi na raw cute ang ginagawa nito sa stage na pinipilit maging magaling na singer.

Okay na raw ‘yung dati niyang ginagawa nung una dahil nakakatuwa naman siyang tingnan, pero kung ganun at ganun pa rin, hindi na nakakatuwang panoorin.

BOOM : Ang laki nang ipinagbago ni Sid Lucero magmula nang sinilang ang anak niyang si Halo sa miyembro ng bandang General Luna na si Bea Lao.

Ang hiling nito sa kanyang anak, paglaki raw ay huwag daw siyang gayahin. Ang dami raw niyang na-realize nang nakita ang kanyang anak.

Sabi ng aktor; “Parang bigla akong nag-self check.

“Parang lahat ng kagaguhan ko tapos na-feel bad ako, tapos parang una mong iisipin sana hindi siya maging ganun o sana hindi siya ganunin basta parang nagsisi ako sa lahat ng kagaguhan ko sobra as in first song talaga Ama­zing Grace.”

 

ANNE CURTIS

BEA LAO

BIANCA PAZ

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

GENERAL LUNA

I WRITE THE SONGS

KAY MEGAN YOUNG

KUH LEDESMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with