^

PSN Showbiz

Sam Concepcion proud na proud sa pagiging best supporting actress ni Jasmine

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Sam Con­cepcion para sa napababa­litang kasintahan niya na si Jasmine Curtis. Kamakailan ay nasungkit ng aktres ang best supporting actress award mula sa Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Transit. “She’s very hardworking, she’s very dedicated to her craft kaya she’s starting in a very good position,” bungad ni Sam.

“I saw Transit and it was no surprise to me because I really think that Transit was very good and she deserves the best supporting actress title and hindi naman basta-basta ibibigay ng Cinemalaya. She really deserves it,” dagdag ng binata.

Ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Jasmin at Sam ngayon? “Basta ‘yun na ‘yun. What they see is what they get,” makahulugang sagot si Sam. Nai-intimidate daw minsan ang singer kay Anne Curtis lalo pa’t nakatatandang kapatid ito ni Jasmine. “Well you know, in some way I’m intimidated by everybody especially the people that are very established in the business but in a personal level, I react to it in a way that is personal as well. So I’m just being myself and relate to people well,” paliwanag ng binata. Magkasama ring pumunta sina Jasmine at Sam sa red carpet premiere ng pelikulang Ekstra ni Vilma Santos noong Martes ng gabi.

Enchong paborito ng Star Cinema, pinapirma uli ng bagong kontrata kahit hindi pa expired ang dati

Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata si Enchong Dee sa Star Cinema. Two-picture contract ang pinirmahan ngayon ng aktor kahit hindi pa nag-e-expire ang kanyang naunang kontrata. “I’m just so happy na again, makakagawa na naman ako ng pelikula sa Star Cine­ma. Nagawa ko na lahat ng pelikula na kailangan kong gawin, may panibago na agad. And I am just so happy na hindi pa man nag-e-expire ‘yung isa, may panibago na agad,” nakangiting pahayag ni Enchong.

Sunud-sunod halos ang mga pelikulang pinagbidahan ng aktor kaya may mga nagsasabing paborito raw siya ng nasabing film outfit. “Baka nga embrace ko na din, embrace ko na lang. Kumbaga hindi mo rin masasabi kung saang parte ka naging favorite but I guess it’s just my working habit. Kung paano ka makisama sa tao, kung paano mo gawin ‘yung trabaho. Malaking bagay ‘yun kung bakit ka nila bibigyan ng importansiya o bakit ka yayakapin sa pamilya nila. I’m just happy na ‘yung mga ginagawa ko is just rightful for every project,” paliwanag ng aktor.

Samantala, ikinatuwa rin ni Enchong ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa teleserye nilang Muling Buksan Ang Puso. “Reports from JAMES C. CANTOS

                 

ANNE CURTIS

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

ENCHONG

ENCHONG DEE

JASMINE CURTIS

KAMAKAILAN

MULING BUKSAN ANG PUSO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with