Illegal vendors, nagbibigay ‘lagay’ kaya pabalik-balik sa bangketa?
MANILA, Philippines - Hihimayin ni Ted Failon ang inihaing batas ni Sen. Nancy Binay na Anti-corporal Punishment Act of 2013 na nagbabawal sa pananakit sa mga bata sa kahit anong paraan ngayong Sabado (Agosto 17) sa Failon Ngayon.
Sa ilalim ng naturang batas, paparusahan ang siÂnumang mahuhuling magbubuhat ng kamay, mamÂbubulyaw, mamahiya at iba pa sa mga bata kahit pa magulang niya ito. Tuluyan na nga bang maÂaalisan ng karapatan ang mga magulang sa pagdidisiplina kapag naipasa ang batas?
Sisiyasatin din sa episode ang patuloy na pagnenegosyo ng illegal vendors sa mga bangketa na nakakadagdag sa trapiko. Giit ng Metro Manila Development Authority (MMDA), puspusan ang sidewalk clearing operations na kanilang isinasagawa para malunasan ito.
Ngunit sa panayam ni Ted kay Mang Jun, isang sidewalk vendor sa Commonwealth Market, may kolektor umanong buwanang naniningil ng P5,000 hanggang P12,000 sa kanila para payagan silang maÂkapagtinda. Sinu-sino kaya ang tumatanggap ng “lagay†mula sa mga tindero para makapagpabalik-balik sila sa kalsada?
Tatalakayin din sa episode ang planong muling pagsasaayos sa Manila Zoo.
Panoorin ngayong Sabado (Agosto 17), 4:45 p.m., pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN.
- Latest