Kaye sinigurong wala silang sex video ni Chito Miranda
Pati mga ex-girlfriend ni Chito Miranda ay biglang nabulabog sa paglabas ng sex video nito at ni Neri Naig. Ngayon lahat ng mga ex niya ay sinasabing baka may sex video ring nakatago.
Kaya buong tapang na lumabas si Kaye Abad para lamang siguruhin na wala silang video ni Chito. Sino pa kaya sa mga ex ng singer ang lalabas para magpatunay na wala silang sex video?
Claudine hindi matiis ng ina
Akala ko ba hindi na makikihalo ang ina ni Claudine Barretto sa away nito kay Raymart Santiago? Obviously hindi nito natitiis ang anak. Sa dami nga naman ng sumusuporta sa Kapuso actor at nagsabing mas pinaniniwalaan nila ito kaysa ang asawa niya kung kaya kahit paano siguro ay gustong mabigyan ng ina ng feeling of confidence ang anak with her presence.
After all, sino ba ang magtutulungan kapag nalalagay sa gipit ang anak, siyempre si Mommy Inday. Pero sana bukod sa pagsama kay Claudine ay magawa ng kanyang ina na mapangaralan ang kanyang anak. Para hindi na ito maligaw pa ng landas.
- Latest