^

PSN Showbiz

Gerald nahirapang makipag-love scene sa starlet

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa na ng love scene si Gerald Anderson sa isang proyekto. Kaeksena ng aktor ang baguhang si Dawn Balagot sa pelikulang On the Job na ipalalabas na sa mga sinehan sa August 28.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Gerald ang maselang eksena na ki­nunan dahil ngayon lang niya ito naranasan. “Ang daming shots, iba-ibang shots. Hindi ko alam na gano’n pala ‘yun. First time ko maka-experience ng gano’n. First time ko gumawa ng ga­nung klaseng love scene which was very beautiful at very classy noong napanood namin. Ang ganda nang ginawa ni Direk (Erik Matti),” kuwento ni Gerald. Pagkatapos daw kunan ang nasabing love scene ay nailang daw ang binata sa kanyang kapareha. “Med­yo nakakailang kasi it was her second day pa lang sa shoot, ‘yun na agad ang eksena namin. So kahit ako, at the end of the day napaka-professional ni Dawn. Napakagaling and isa siya sa mga dapat abangan sa movie. Nakakagulat lang kasi sa pangalawang araw pa lang namin, love scene na agad,” natatawang paliwanag ng binata.

Nahirapan daw si Gerald sa paggawa ng mga maiinit na eksena nila sa nasabing pelikula. “Ang love scene napakahirap talaga kasi siyempre ‘yung normal na tao, kapag love scene or ‘yung ginagawa n’yo with your special someone, gusto n’yo private, kayo lang dalawa. So ang hirap but it was romantic and beautiful scene,” pagtatapat ng aktor.

Samantala, hindi naman daw pinagselosan ng kasintahan ni Gerald na si Maja Salvador si Dawn sa ginawa nilang intimate scenes. “Siyempre at the end of the day actors pa rin kami and professional,” giit ng binata. 

Kathryn: ‘Nagiging normal college girl ako’

Nakatutuwang isipin na napagsasabay ni Kathryn Bernardo ang kanyang pag-a-artista at pag-aaral ng kolehiyo. Kumukuha ng kursong marketing si Kathryn sa Enderun Colleges at masayang-masaya raw siya dahil normal na estu­dyante lamang daw ang pakikitungo sa kanya ng mga kaklase. “Hindi naman nila ako binibigyan ng special treatment, wala namang gano’n. Feeling ko normal student lang ako kapag Saturday. Nagiging normal college girl ako. Kilala ‘yung school for culinary but they also offer marketing,” nakangiting pahayag ni Kathryn.

Kahit kabi-kabila ang proyektong ginagawa ng dalaga ay pinipilit daw talaga niyang tapusin ang kanyang pag-aaral. “Kinakaya ko pa naman siya. Basta kapag Tuesdays after ng morning class ko puwede na akong dumiretso sa work and then kapag Saturdays as in blocked off for my school lang the whole day. Wino-work out naman with production ‘yung schedule, so okay. Lahat sila tumutulong para mapagsabay ko ‘yung school ko with my work,” pagde-detalye pa ni Kathryn.

Samantala, sa August 26 ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network ang bagong teleserye nila ni Daniel Padilla na Got To Believe.                      Reports from JAMES C. CANTOS

 

DANIEL PADILLA

DAWN BALAGOT

ENDERUN COLLEGES

ERIK MATTI

GERALD ANDERSON

GOT TO BELIEVE

KATHRYN

KATHRYN BERNARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with