^

PSN Showbiz

Gerald muntik patanggal ang kilay

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May dahilan para maging excited ang Star Cine­ma at Reality Entertainment sa pagpapalabas ng kanilang pelikulang OTJ (On the Job) sa Aug. 28 sa mga sinehan sa Kamaynilaan dahil sigurado silang may maganda silang produkto na bago rito sa atin at hinangaan na ng maraming dayuhan dahil nakasali ito sa Cannes Independent Film Festival. Ang mga taong nasa likod ng pelikula ay proud na proud na matapos itong mapanood sa Cannes filmfest ay tinayuan ito ng mga manonood at dalawang minutong binigyan ng standing ovation.

Pagkatapos ay nakasali ito sa 2013 Puchon International Fantastic (PiFan) Film Festival sa South Korea na kung saan ay nanalong best actor si Joel Torre. Unang panalo niya ito sa international scene. Tinalo niya ang dalawang kasamahan niya sa pelikula, ang mas nakababatang aktor na siyang inaasahang mag-uuwi ng karangalan sa ka­tegoryang napanalunan ni Joel.

“It was a pleasant surprise. Andun kami sa Puchon but I never expected to win,” ani Joel na maski naman sa reviews sa Cannes ay palaging maganda ang sinasabi tungkol sa kanya.

“Napakadilim ng sinehan na pinaglabasan ng OTJ, pero ’yung spotlight sa amin lang nakatutok,” saad naman ni Ge­rald.

Sa kagustuhan niyang mas mapaganda ang kanyang role ay talaga namang iniba niya ang kanyang ayos. Pinagmukha niya ring marumi ang kanyang sarili at malulutong na mura ang luma­labas sa kanyang bibig.

“Gusto ko pa rin sana na paputulan pa ang kilay ko pero sinabi ni Direk Erik (Matti, the director of OTJ) na huwag na. At ’yung mga pagmumura ko wala sa script ’yun, ako lang naglagay,” dagdag pa ng aktor na naisahan ni Piolo dahil may love scenes sila ni Shaina Magdayao.

Ang pelikula na tinatampukan nina Piolo, Gerald, Joey Marquez, at Joel Torre ay bahagi pa rin ng 20th anniversary ng Star Cinema. Unang action movie ito nina Piolo at Gerald. At hindi lamang silang dalawa ang sumabak sa mahihirap na eksenang aksiyon kundi maging sina Joel at Joey din.

Thea bina-block ang diskarte ni Jeric

Masuwerte naman si Thea Tolentino dahil kahit hindi pa siya nakakatapos ng guesting sa Anna Karenina ay binigyan na siya agad ng kanyang kasunod na teleseryeng siya naman ang bida, sila ni Jeric Gonzales.

Pinamagatang Pyra: Ang Babaeng Apoy, gagampanan ng kampeon ng Protégé ang role ng isang pyrokinetic, isang may kakayahang lumikha ng apoy kapag siya ay nagagalit. Kaya ang character niya ay pipiliting maging positibo at mas masaya habang hindi pa niya kayang kontrolin ang kanyang kapangyarihan.

Only 17 years old, inamin ni Thea na never been kissed and touched pa siya. At pangangatawanan niya ito habang menor de edad siya. Willing naman siyang hintaying magdalaga ng kanyang magiging kapareha sa serye na si Jeric.

“Bina-block ko naman ang mga ipinararamdam niya dahil mas gusto ko munang mag-focus sa career. Minsan lang dumating ang ganito kagandang opportunity kaya gusto kong samantalahin,” pag-iwas ng dalaga sa maliwanag na pagpaparamdam sa kanya ni Jeric.

Nakatapos na ng nursing ang aktor at naghihintay na lamang makakuha ng board exams pero si Thea ay kinailangang itigil ang kanyang multi-media course dahil wala siyang panahon na mapagsabay ang kanyang pag-aartista at pag-aaral.

Sa halip na panghinaan ng loob si Jeric dahil mas matagal siyang paghihintayin ni Thea bago asikasuhin bilang manliligaw, ibinubuhos nito ang kanyang panahon sa pagdidiyeta kaya pumayat na siya. Hindi siya nagdyi-gym pero talagang no carbs ang diet niya.

ANG BABAENG APOY

ANNA KARENINA

JERIC

JOEL TORRE

KANYANG

NIYA

PIOLO

SIYA

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with