^

PSN Showbiz

Sen. Bong ipinagtanggol ang negosyo ng anak na ka-partner ang anak ni Janet Napoles

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ipinagtanggol ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang negosyo ng kanyang anak na si Bryan at ng business partner nitong si James Christopher Napoles. Ayon kay Bong, legal at legitimate ang rubber shoes business nina Bryan at James na matagal nang magkakilala at magkaibigan dahil magkaklase sila noong high school.

Nalulungkot ang ama dahil binibigyan ng malisya ang business partnership at friendship ng dalawa. Umaapela si Sen. Bong na huwag nang iugnay o idamay sa pork barrel controversy ang kanyang anak. Kung gusto raw ng detractors niya na sirain siya, siya na lang. Huwag nang isangkot si Bryan.

Behn Cervantes sumakabilang buhay na, dinagsa ng pakikiramay

Nakikiramay ako sa mga naulila ng film at theater director na si Behn Cervantes na sumakabilang-buhay kahapon dahil sa pneumonia at kumplikasyon sa diabetes. Seventy-four years old si Bhen na naging kaibigan ko noong nakatira pa siya sa New York, USA. May common denominator kami ni Bhen sa New York pero hindi ko na sasabihin kung ano.

Ipina-cremate agad ng pamilya ni Bhen ang kanyang mga labi dahil isa ito sa kanyang mga huling kahilingan. Dumagsa ang pakikiramay sa Facebook account ni Bhen na magdiriwang sana ng kanyang 75th birthday sa Aug. 26.

Claudine at Sunshine pareho nang pinagdadaanan

Hindi nagkakalayo ang mga nangyayari sa buhay nina Claudine Barretto at Sunshine Cruz. July 20 ang birthday ni Claudine at July 28 naman ang kaarawan ni Sunshine.

Parehong laman ng korte ang dalawa dahil sa mga demanda nila sa kanilang mga asawa na parehong mga action star. Nag-file sa korte ng Permanent Protection Order si Claudine para hindi siya malapitan ni Raymart Santiago at ganoon din ang ginawa ni Sunshine.

Ang pagkakaiba lang, si Raymart ang nagsampa ng habeas corpus sa family court ng Marikina City para makita niya ang dalawang anak. Sa panig naman ni Sunshine, ito ang nag-file ng habeas corpus sa Quezon City Court para ma-sight niya ang tatlong anak nila ni Cesar at nangyari ito kahapon.

Sa totoo lang, ang mga inosenteng ba­gets ang kawawa dahil nadadamay lamang sila sa hidwaan ng kanilang mga magulang. Imagine, sa murang mga edad, umaapir na sila sa korte? I’m sure, wondering ang mga bata kung ano ang ginagawa nila sa korte habang nakaabang ang media at nakatutok sa kanila ang sangkatutak na TV camera. 

Nag-aaral ang mga anak nina Sunshine at Cesar at para makasipot sila kahapon sa korte, baka nag-absent pa sila sa school.

Michael V. na-dengue, humihingi ng dasal

Walang edad na pinipili ang dengue dahil tinamaan din nito si Michael V. na humi­ngi ng prayers sa kanyang Twitter at Instagram followers. Ang akala ni Michael V., simpleng sipon lamang ang kanyang sakit pero nang magpatingin siya sa doktor, saka nalaman na may dengue siya dahil mababa na ang blood platelets niya.

Mahinang-mahina ang pakiramdam ng komedyante kaya hindi muna siya tumatanggap ng bisita sa kanyang hospital room. Pinag-iingat ang lahat sa kagat ng mga lamok, lalo na ngayon na panahon ng tag-ulan.

vuukle comment

BEHN CERVANTES

BHEN

CLAUDINE

DAHIL

KANYANG

MICHAEL V

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with