Gandang Ricky Reyes may bagong kasama
MANILA, Philippines - Nang buuin ni Mader Ricky Reyes at ng ScriptoVision ang format ng Life and Style with Ricky Reyes ay sinikap na mabigyan ang manonood ng mga interesanteng paksa tungkol sa pagpapaganda, kalusugan, mga sikat na Pinoy dito at sa ibang bansa, atbp.
“Layunin naming ibahagi sa mga manonood ang mga paraan ng pagpapaganda, pampabata, pagnenegosyo at parangalan din ang mga negosyanteng nagtagumpay sa kani-kanilang larangan. Siyempre, ‘di namin kinakaligtaang ibigay ang mga impormasÂyon sa napapanahong fashion, hair style, make-up, at mga gadgets o paraan ng magpapanatili ng kagandahan,†sabi ni Mader Ricky.
Ang bagong pamagat ng programa’y Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) at kasama na ang mapagpatawa at bonggang si Chikadora na dumarayo sa kung saan-saang lugar kung saan may natutuklasan siyang kakaiba at bago tungkol sa pagkain, happening, koleksiyon at ‘ika nga’y kung anik-anik pa.
May mga sinusuwerte ring letter-sender na ang pangarap ay tinutupad ng GRR TNT. Paborito naman ang Make Over Magic na may demo si Mader sa angkop na pag-aayos ng buhok, make-up, at tabas ng damit.
Sabi at paniwala nga ng mga suking manonood, Mader knows best. Kaya laging tutukan ang GRR TNT tuwing Sabado sa GMA News TV alas nuwebe hanggang alas diyes ng umaga.
- Latest