Paboritong romantic comedy ng thailand, eere sa cinema one
MANILA, Philippines - Kakaibang love story ang ipapalabas ngayong Linggo (Agosto 18) sa Cinema One—ang award-winning romantic comedy na Hello Stranger na magbibigay ng ibang klaseng pagkakilala sa nakaÂsanayang paraan ng panliligaw.
Ang Hello Stranger ay kuwento ng isang babae at lalaki na hindi magkakilala at sabay na pumunta ng Korea. Sa kanilang bakasyon ay nagkrus ang landas ng dalawa, at nang dahil sa kakaibang coincidence ay nagdesisyon silang magsama sa pag-tour ng bansa—pero may isang kondisyon silang binigay—na isisikreto nila sa isa’t isa ang kanilang mga pangalan. Pinagbibidahan ng romantic comedy na ito ang model-actor ng ATM na si Chantavit Dhanasevi at ang singer-actress na si Nuengtida Sopon.
Hello Stranger was directed by the award-winning director Banjong Pisanthanaku, who garnered the title of “Most Promising Talent†for this film. He is also the director behind the popular Thai comedy horror film Pee Mak, which stars Mario Maurer and is currently being highly anticipated to hit local cinemas.
Ang Hello Stranger ay dinirek ng award-winning direktor na si Banjong Pisanthanaku. Sa kanyang paggawa ng Hello Stranger ay nakatanggap siya ng karangalan bilang Most Promising Talent, at tumuloy siya sa paggawa ng iba’t ibang klaseng pelikulang nakatanggap ng magagandang mga movie review. Isa na rito ang comedy horror na Pee Mak na pinagbibidahan ni Mario Maurer at inaabangan ng marami sa paglabas nito sa mga sinehan sa Pilipinas.
Sa commercial release ng Hello Stranger sa Thailand ay nakakuha ito ng 130 million baht at naÂging isa sa mga pinakasikat na pelikula ng bansa. Dahil sa matagumpay na pagtanggap nito ay ipinaÂlabas din ang Hello Stranger sa Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Singapore, Indonesia, China, at Taiwan.
Huwag palampasin ang Hello Stranger ngayong Linggo (Agosto 18) ng 8:00 p.m. sa Cinema One (SkyCable channel 56), ang numero unong cable channel sa bansa.
- Latest