Nasanay na sa dalas nilang mag-away Demanda ni Sunshine kay Cesar hindi masyadong sineryoso
Hindi pala masyadong sineryoso ng mga mahihilig sa showbiz news ang demanda ni Sunshine Cruz laban sa kanyang dyowa na si Cesar Montano.
Big news kung big news ang kaso pero tinrato lamang ito na ordinaryong balita ng marami.
May mga komento ang iba tungkol sa isyu pero hindi ito kasing-ingay ng kaso noon nina James Yap at Kris Aquino.
Baka nasanay na sila sa isyu ng away nina Sunshine at Cesar kaya hindi na big deal sa kanila ang mga sumunod na kaganapan.
Sa totoo lang, pabor sa Montano couple ang hindi masyadong pagpatol ng marami at netizens sa kanilang problema dahil mabilis ito na mawawala sa balita.
Puwede rin na napagod na ang netizens sa sunud-sunod na filing sa korte ng mga Temporary and Permanent Protection Order.
Naumpisahan ni Kris Aquino, sinundan nina Ai-Ai Delas Alas, Claudine Barretto, at Sunshine.
Pero may magandang naidulot sa publiko ang mga nabanggit na isyu dahil nagkaroon sila ng kaalaman tungkol sa TPO at sa karapatan ng bawat isa na naaayon sa batas.
Memoryadung-memoryado na ng mga kababaihan ang Republic Act 9262, ang batas laban sa pang-aabuso sa mga babae at sa mga bata.
Rochelle Barrameda nag-iimbita parasa prayer rally at paggunita sa birth anniversary ng kanyang kapatid na pinatay
Kahapon ang 33rd birthday ni Ruby Rose Barrameda, ang kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda na nawala at pinaslang noong March 2007.
Hanggang ngayon, naghahanap pa rin ng hustisya ang pamilya na naulila ni Ruby kaya isang rally ang idaraos ngayon sa harap ng Court of Appeals.
Isang misa ang gaganapin ngaÂyong umaga, 9:00 am at panguÂngunahan ng running priest na si Fr. Robert Reyes. Iniimbitahan ni Rochelle ang lahat ng kanilang mga kaibigan na dumalo sa prayer rally at paggunita sa birth anniversary ng kanyang kapatid.
Halos magkasunod na nawala noong 2007 sina Ruby Rose BarraÂmeda at Jonas Burgos.
Ang pagkakaiba lang, hindi pa natatagpuan si Jonas. Hindi nagkulang ang pamilya ni Jonas sa paghahanap sa kanya mula nang dukutin siya sa isang mall sa Quezon City noong 2007.
Hindi sumusuko ang pamilya Burgos, lalo na ang nanay ni Jonas na si Edita Burgos. Pumayag si Mrs. Burgos na isapelikula ang journey ng kanyang pamilya sa paghahanap nila kay Jonas. Umaasa sila na makakatulong ang pelikula na pinagbidahan ni Lorna Tolentino para lumitaw si Jonas.
Rufa Mae namatayan ng kaibigan
Nabahiran ng lungkot ang promo ni Rufa Mae Quinto ng Ang Huling HenÂya dahil isang close friend niya ang binawian ng buhay.
Kung tama ang dinig ko, leukemia ang ikinamatay ng friend ni Rufa Mae at tila may participation ito sa Ang Huling Henya, ang pelikula ng comedienne na showing sa nationwide theaters sa August 21.
- Latest