^

PSN Showbiz

Anak ni Jean na may autism, hinalay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang kapantay ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak. Pero anong pagmamahal ang maibibigay niya kung ang anak na iniluwal may espesyal na pangangailangan? Kung ang anak na kanyang magiging pag-asa ay siyang aasa sa kanya? 

Ngayong Sabado, tunghayan ang kuwento ng isang ina—at ng kanyang anak na may autism.

Ang Autism ay isang kondisyon sa pag-iisip na nagpapabagal sa development ng isang tao sa pakikipag-usap at pakikipagkapwa. Isang kondisyon kung saan hirap ang mayroon nito na magpaintindi ng kanilang nais gawin, at ng kanilang saloobin.

Isang kondisyon na hahadlang sa kanila para magsumbong sa pagkakataong may gumawa ng masama sa kanila.

Para sa inang si Tessa, dobleng pag-aalala ang kanyang haharapin sa paglaki ng kanyang anak na babaeng may autism. Bukod kasi sa madalas na pambabastos na hinaharap ng kababaihan, dagdag pa sa kailangan niyang isipin ay kung paano makalalaban — o paano makapagsusumbong ang kanyang anak — kung mayroong manalbahe, mambastos, at manghalay sa kaniya?

At paano kung ang taong gagawa pa nito ay taong pinagkakatiwalaan at minamahal nilang mag-ina?

Sa ilalim ng masusing direksiyon ni Adolf Alix, Jr., at sa panulat ni Mary Rose Colindres base sa pananaliksik ni Karen Lustica; itinatampok sa Hinagpis ng Isang Ina: the Rape of an Autistic Child sina Jean Garcia at Barbara Miguel sa kanilang natata­nging pagganap bilang mag-inang haharap sa matinding pagsu­bok; kasama rin sina Alicia Alonzo, Joko Diaz, JM Reyes, at Sue Prado. 

Huwag palagpasin ang Magpakailanman nga­yong Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

vuukle comment

ADOLF ALIX

ALICIA ALONZO

ANG AUTISM

AUTISTIC CHILD

BARBARA MIGUEL

DADDY KO

ISANG

ISANG INA

JEAN GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with