Mutya ng Masa, may pa-birthday sa batang ulila
MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbibigay-saya ni Doris Bigornia sa mga ordinaryong tao sa kanyang programang Mutya ng Masa sa ABS-CBN ngayong (Agosto 13) kung saan bibigyan niya ng mala-birthday party na sorpresa ang isang batang ulila.
Pupuntahan ni Doris ang Baywalk sa Maynila kung saan makikilala niya ang 10 anyos na si JM, na dalawang taon nang namamalagi sa lugar matapos maulila sa mga magulang. Nang tanungin ng Mutya kung ano ang makapagpapasaya sa kanya, ni-request niyang dalhin siya sa Star City at Jollibee dahil daw doon siya palaging dinadala ng kanyang nanay noong nabubuhay pa ito.
Bukod sa pagbibigay ni Doris kay JM, kinumbinsi din siya ni Doris na tumira sa shelter ng DSWD nang sa ganoon ay matutukan ang kanyang paglaki.
Ipinaliwanag ni Doris na kagaya ni JM at ng iba pang taong natulungan na ng Mutya ng Masa, ang mga tao sa lugar na kanilang dinadalaw ang namimili ng mga papasayahin at hindi ang mismong programa. Patunay umano ito na hindi totoong walang pakialam ang mga Pinoy sa kanilang kapwa.
“Tanong namin, ‘Sino ba sa tingin niyo ang dapat naming tulungan?’ Sila, kahit pare-parehong mahirap, tinuturo ang iba na mas matindi pa ang problema sa kanila. Nakakatuwa na gusto pa rin pala nating magtulungan. ‘Di tayo swapang. ‘Merong mas maÂtindi ang problema; saka mo na ako tulungan’ – ’yun ang konsepto ng Mutya ng Masa,†pahayag ni Doris.
- Latest