Melissa tanggap na malas sa letrang J
Kung inaasahan ng lahat na may mga masamang masasabi si Melissa Ricks sa naging hiwalayan nila ng boyfriend niya ng isang taon at dalawang buwan na si Paul Jake Castillo, mabibigo sila. The actress has only nice things to say about her ex-BF.
“Hindi naman niya ako binabastos. Wala naman kaming naging mabigat na problema. Meron lang siyang priorities. Pero magkaibigan pa rin kami. In fact he invited me sa opening ng diner niya sa Morato (sa Quezon City) recently.
“No, wala akong maisip na dahilan para ako magalit sa kanya,†sabi ng aktres sa selebrasyon ng ika-7th anniversary ng Bargn Farmaceutici Philippines Co. (BFPC) na isa sa mga unang naging endorsement niya.
Marami rin ang nagulat na makita siyang sexy at fit habang rumarampa kasama ang mga iba pang image model ng BFPC dahil isa siya sa pinagbintangang preggy nang sumabog ang balitang isang artistang babae na may initials na MR ang kasalukuyang buntis ngayon.
“Mabilis kasi akong tumaba pero mabilis din akong pumayat. Natatawa nga ako dahil nabalita ’yun at the time na kabi-break ko lang,†paliwanag niya.
When asked kung wala ba siyang panghihinayang dahil naipakilala na nila ang isa’t isa sa kani-kanilang mga pamilya, sagot niya, “Hindi naman dahilan ’yun para mag-asawa na kami. Palagi kaming nasa Cebu kaya ipinakilala niya ako sa family niya. Ganun din siya sa family ko. Palagi naman kasi siyang nasa house.â€
Dagdag paliwanag ng magaling na aktres na hindi isinasara ang kanyang pinto sa kanilang pagbabalikan ni Paul Jake. “Kung kami eh di kami, But we’re friends. Masaya na ako dun. Malas lang siguro ako sa mga lalaking may pangalan na nagsisiÂmula sa letter J,†sabi niya.
Vilma may problema sa script ni Direk Dante
Script lamang talaga ang problema kaya hindi pa matuluy-tuloy ang proyekto ni Brillante “Dante†Mendoza na kung saan ay hindi lamang muling magkakasama sina Vilma Santos at Nora Aunor, kundi maging si Coco Martin din.
Naging excited ang gobernadora ng Batangas sa paggawa ng indie film matapos siyang manalo ng best actress sa Cinemalaya Independent Film Festival para sa indie film na Ekstra: The Bit Player na idinirek ni Jeffrey Jeturian.
Kung susuwertihin siya, baka may mga kasunod pa siyang mapanalunan dahil marami pang film festival na nag-iimbita sa kanilang movie.
Lolita, Cookie, at Bayang Barrios nagkakaisang palawakin ang sariling wika
Kaisa ako sa layunin ng trio nina Lolita Carbon ng Asin, Cookie Chua ng Color It Red, at BaÂyang Barrios ng Bagong Lumad na palaganapin ang lengguwaheng Pilipino para sa mas madaling komunikasyon even among us Filipinos. Bagama’t medyo may kahirapan ito na gaya ng ating napapatunayan kapag pumapasyal tayo sa mga bansa ng mga kapatid nating Asyano, hindi naman ito imposible.
Ang mas mahalaga ay maipamalas natin ang essence ng ating pagiging Pilipino, lalo na sa salita. Ikatutuwa ko nang labis kapag sa mga international beauty pageant ay may mga kalahok na Pinay na gagamit ng interpreter para maisalin ang Tagalog sa mga lengguwahe na mas maiintindihan ng lahat.
Makahulugan ang mensahe ng awitin ng tatlo na Wika dahil dito ibinabadya ang pag-aalala sa unti-unting pagkawala ng ating sariling lengguwahe.
- Latest