Marian pinairal ang utang na loob
Bakit nga naman iiwan ni Marian Rivera ang kanyang trono sa GMA 7 at magbabaka-sakali sa iba sa posisyong siguradong mas mababa dahil may mas mga nauna na sa kanya?
Gusto ko ’yung sinabi niya na kung wala ang GMA ay wala rin siya. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob at sa panahong ito, bihira na ang may ganitong ugali. Kaya I’m sure mas malayo pa ang aabutin ni Marian as a Kapuso.
Andi pino-protektahan ang relasyon kay Jake, walang paki kay Billy
Mukha namang sincere si Andi Eigenmann sa pagsasabing wala silang relasyon ni Billy Crawford at worried siya, o baka takot ang mas tamang word, na baka makaapekto ito sa “friendship†nila ni Jake Estrada.
Obvious na mas tini-treasure niya si Jake kaysa kay Billy kaya paniwalaan na natin na hindi siya ang dahilan ng breakup nina Billy at Nikki Gil.
Julia ayaw kontrahin ang management
Kung si Judy Ann Santos ay apektado sa pagpapalit-palit ng timeslot ng kanyang serye, si Julia Montes ay walang pag-aalala kung malagay man ang serye nila nina Enchong Dee at Enrique Gil sa mas gabing oras.
Katuwiran ng teen star ay desisyon ito ng maÂnagement at wala silang choice kundi ang sumunod. Kaya nga hindi rin siya worried kung pinaglalaban sila ni Kathryn Bernardo dahil hindi naman daw naaapektuhan ang friendship nila.
Oo nga naman, bakit sila paaapekto? Hindi naman sila ang naglalaban kundi ang mga serye nila. Pagandahan na lang ng kuwento, ’di ba?
- Latest