Carlo Caparas binigyan ng pag-asa ng SC na mabawi ang national artist award
MANILA, Philippines - Pagkatapos bawian ng National Artist award si Direk Carlo Caparas, puwede pa naman palang ma-nominate uli si Direk Carlo at kilalaning national artist ayon sa Supreme Court kamakailan.
Nag-release pala sila ng decision na hindi porke’t binawian siya kasama sina Cecille Guidote-Alvarez, Pitoy Moreno at Francisco Mañosa ng nasabing karangalan ay hindi na sila puwede uling maÂbigyan nito.
“While the Court invalidates the proclamation of respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa and Moreno as National Artists, such action should not be taken as a pronouncement on whether they are worthy to be conferred that honor,†ayon sa decision ng korte na sinulat ni Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro at lumabas sa ABS-CBN.com.
“Nothing in this Decision should be read as a disqualification on the part of respondents Guidote-Alvarez, Caparas, Mañosa and Moreno to be considered for the honor of National Artist in the future, subject to compliance with the laws, rules and regulations governing said award,†ayon sa inilabas ng Supreme Court.
Ang tanong lang, interesado pa kaya si Direk Carlo J na makatanggap ng National Artist award matapos siyang bawian at mapahiya kamakailan lang?
Sarah, magbi-VJ
Ang Pop Princess, coach ng sikat na TV show The Voice of the Philippines, at blockbuster actress na si Sarah Geronimo ay magdadala ng mas masayang buwan ng Agosto bilang MYX Celebrity VJ.
Huwag palampasin ang pagho-host ni Sarah sa Mellow MYX hanggang 17 at Pinoy MYX ng Agosto 18 hanggang 24, at sa dulo ng buwan, mula Agosto 25 hanggang 31. Dadalhin ni Sarah ang Your Choice. Your Music. bilang host ng My MYX. Panoorin si Sarah bilang celebrity video jockey (VJ) ngayong buwan.
Ang MYX ay mapapanood sa UHF sa pamamagitan ng Studio 23 at SkyCable. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.myxph.com.
Birthday ni Marian sinulit ng fans
“Lagi ko ngang sinasabi na nakakataba ng puso na may mga ganitong mga fans na bumubuo ng ganitong konsepto para sa birthday ko. Consistent sila, limang taon na kakilala ko sila, limang taon nilang ginagawa ito para sa akin. Nakakataba ng puso na ‘yung mga fans club na katulad n’yo ay ginaÂgawang mas makabuluhan ang buhay ko na nagpapasaya ng bata,†saad ni Marian Rivera sa surprise na birthday treat sa kanya last Thursday (August 8) ng D’ Original Marian Rivera Devotees together with Philippine Balloon Artists kung saan sila nakipag-bonding sa cancer patients ng Child Haus Orphanage in Quezon City.
Kaya naman hindi napigilan na Marian na maiyak nang mag-perform ang mga bata at bigyan siya ng birthday cards with their handwritten messages.
“Thank you sa mga cards, babasahin ko ito isa-isa mamaya. Bilang isang tao nakakadagdag siya ng buhay. Seven years na akong artista, parang five years na ata itong nangyayari sa buhay ko. Thank you. Hindi n’yo alam kung paano n’yo ako napasaya ng bongga. Tinitingnan ko ‘yung bawat letters iba-iba ‘yung message nila sa akin. Hangga’t kaya natin na puntahan ko sila, imbes na mag-celebrate ako ng birthday kung saan, magbibigay tayo ng ligaya sa ganitong mga bata,†sabi ni Marian.
Nakasama niya sa nasabing celebration ang Child Haus founÂder, celebrity hairdresser and businessman Ricky Reyes, Marian’s close friends Ana Feleo and Bambbi Fuentes and Marian’s mother Amalia Rivera.
At hindi pa doon natapos. Nagkaroon pa ng continuation ang kanyang birthday celebration when her anoÂther fans club Marianknights organized a charity event at the Anawim Home of the Abandoned Elderly in Montalban, Rizal.
Marian was overjoyed by the opportunity to spend time with the residents of Anawim.
Sabi ni Marian, hindi niya alam kung paano pasaÂsalamatan ang kanyang fans club dahil nag-enjoy siya sa celebrating her birthday with the elders. She even danced with one of the residents and gamely posed for pictures with them.
Samantala, ngayon naka-schedule bumalik ng bansa sina Marian at Dingdong Dantes galing Bali.
OTJ ipalalabas na sa mga sinehan
Back-to-back international success na ang nasungkit ng Filipino action-thriller ng Star Cinema at Reality Entertainment na OTJ (On the Job).
Matapos itampok sa prestiyosong Cannes International Film Festival sa France noong Mayo, daÂlawang tropeyo ang inuwi ng OTJ, na obra ni Direk Erik Matti kamakailan, sa katatapos lamang na 17th Puchon International Fantastic (PiFan) Film Festival sa South Korea. Nakamit ng OTJ ang Jury’s Choice Award, samantalang tinanghal bilang best actor ang isa sa lead stars nito na si Joel Torre na gumaganap sa pelikula bilang hired killer.
Bahagi ng patuloy na selebrasyong ng 20th anniversary ng Star Cinema, ang OTJ ay itinuturing na ‘pinaka-astig na pelikula ng 2013’ na magtatampok sa kakaiba at mas matapang na pagganap nina Piolo Pascual at Gerald Anderson.
Sa kuwento, gumanap si Piolo bilang isang NBI agent na target hulihin ang karakter ni GeÂrald na isang professional hitman.
Showing na sa mga sinehan nationwide sa August 28, 2013 ang OJT.
- Latest