Marian malaki ang nadagdag na TF sa bagong kontrata
Dumating si Marian Rivera sa contract-signing affair ng bagong three-year exclusive and guaranteed contract sa GMA Network, Inc. in a red Pam Quiñones dress. Biniro ng aktres si Lilybeth Rasonable, GMA Entertainment TV na hindi na siya kakabahan dahil pumirma na siya.
Magmi-meeting sina Marian, kasama ang team niya at ang GMA sa mga gagawin niyang show. NaÂbangÂgit nitong gagawa siya ng soap bago matapos ang taon at sitcom na matagal nang gustong gawin.
Dahil bagong projects ang ilalatag kay Marian, ibig bang sabihin hindi na matutuloy ang narinig naÂming gagawin niya ang Bayarang Puso na ididirehe ni Maryo J. Delos Reyes? Ang ganda ng original cast nito na pagsasamahan nina Marian, Lorna Tolentino, at Gloria Romero.
Hindi man sinabi kung magkano ang talent fee ni Marian sa bagong kontrata, siguradong malaki ang itinaas ng TF nito. Wala ring binanggit kung sino ang gusto lang at ayaw makasama ni Marian sa next proÂjects niya sa GMA kaya nakagugulat ang lumabas na may mga ayaw daw itong makatrabaho.
Kasama ni Marian sa contract-signing niya si Rams David, president ng All Access to Artists na management company niya at si Direk Mike Tuviera na lumipat na sa TV5 pero kitang maayos pa rin ang relasyon sa mga taga-GMA. Nakita sila ng press na magkasalong kumakain at nagkukuwentuhan.
Naitsika ni Direk Mike na after Kidlat, ang soap ni Ogie Alcasid na The Gift ang kanyang next na gagawin sa TV5 at kung hindi kami nagkakamali ay ila-line produce ito ng Archangel Media ng mga Tuviera.
Pero hindi raw ang soap ang unang gagawin ni Ogie sa bagong network kundi isang game show. Ito’y habang inihahanda ang soap na, hopefully, this year umere.
- Latest