Kapatid hindi na gagamitin ng TV5
MANILA, Philippines - Wala naman palang relaunching na magaganap sa TV5 sa pagpapalit ng management. Ayaw diumano ni Mr. Manny V. Pangilinan na sabihing relaunching. Yup, maraming mga bagong programa na sisimulan pero wala raw relaunching.
Bukod dito, ayaw na rin daw ng bagong management na gamitin ang ‘Kapatid’ word bilang pantapat sa Kapamilya at Kapuso. As much as possible raw ay dini-discourage na itong gamitin, ayon sa isang source na insider ng TV5.
At nag-hire rin daw ng advertising agency para sa ilang changes including the logo and jingle for TV5.
Magkakaroon din ng bagong imaging and straÂtegy for the shows kaya ’wag magtaka kung may ilang mangyayaring kakaiba sa mga programa ng network.
Seryoso raw this time sa paglilinis at pag-aayos ng network para tuluyang makahabol ang kanilang mga programa sa mga katapat.
Annabelle susugurin na ang pinsang nagdemanda sa Cebu
Aalis daw pa-Cebu si Annabelle Rama para harapin ang kasong inihain sa fiscal ng pinsang nakabase sa Cebu.
May nagsabi na palaban si Tita Annabelle at gusto niyang makita ang pinsan na dating kasa-kasama sa mga showbiz function.
Maaalalang giniyera ni Tita Annabelle ang pinsan sa Twitter matapos siyang kasuhan ng estafa dahil daw sa mga talbog na tseke.
- Latest