Annabelle walang planong urungan ang pinsang nagdemanda ng Estafa
PIK: Bibigyan ng masayang welcome si Jolina Magdangal sa Sunday All Stars (SAS) ngayong tanghali.
Pagkatapos niyang magpahinga dahil sa maselan niyang pagbubuntis, babalik na si Jolens kasama sina Kyla at Regine Velasquez na balik-SAS na rin.
PAK: Balik na naman sa warpath si Tita Annabelle Rama dahil sa kasong estafa na isinampa laban sa kanya ng pinsan niyang si Joel del Prado.
Pagdating niya galing Amerika, matindi ang mga ipinoste nito sa kanyang Twitter account at hanggang kahapon ay mahahaba ang isinulat at galit na galit ito sa kanyang pinsan. Kinasuhan siya ng estafa dahil daw sa mga tsekeng pinatalbog.
Pero ang tweet ni Tita Annabelle: “Sabi mo 20 checks, 20 demanda? Bakit kaunti lang kulang paaaa! Gawin mong 50 para masaya ka na.â€
Hindi raw niya uurungan ang kasong isinampa laban sa kanya at hinamon pa nito ang pinsan na kasuhan pa siya nang kasuhan kung gusto nito.
Tweet nito, “Ako pa sa iyo mag-file ka na ng demanda araw-araw para may libangan tayong dalawa di ba masaya?â€
BOOM: Isang malaking event sa GMA 7 ang pag-renew ni Marian Rivera ng kontrata.
Ginanap ang contract-signing sa Manila Golf and Country Club na diÂnaÂluhan ng big bosses ng GMA 7 na pinangunahan ni Atty. Felipe Gozon, kasama si Mr. Jimmy Duavit, Mrs. Lilybeth Rasonable, at Mr. Felipe Yalong.
Hindi itinanggi ni Marian na may alok ang ibang istasyon pero malaki ang utang na loob niya sa GMA Network, Inc. at hindi niya puwedeng iwan ang istasyong gumawa sa kanya.
“Hindi ko naman ito pinag-iisipang sobrang daming beses dahil siÂyempre wala akong ibang pupuntahan talaga kundi ang GMA dahil dito ako nabibilang, Kapuso ako, at dito nagsimula ang lahat, ang Marimar at GMA ang nagbigay sa akin. Walang dahilan para umalis ako sa GMA dahil isa lang ang gusto ko, ang maramdaman ang pagmamahal nila at ibinigay nila sa akin. Ramdam ko ’yun.â€
- Latest