^

PSN Showbiz

Muling Buksan ang Puso tatapusin na rin

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa kabila ng nga tsikang bukod sa pagtsugi sa tumatakbong serye na Huwag Ka Lang Mawawala na nagtatampok kay Judy Ann Santos ay malapit na ring matapos ang Mu­ling Buksan Ang Puso na starring naman sina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil. Wala namang mahigpit na kadahilanan dito kundi ang mangyayaring sumusunod lang ang dalawang serye sa takdang panahong ibinigay sa kanila which is one season. Bagaman at puwede naman itong i-extend, feeling ng nga nasa likod  ng programa  ay baka makabawas pa sa kagandahan  ng istorya kung daragdagan pa ang araw ng pagpapalabas  nito. Isa pa mismong si Juday na ang nagsabing mas gusto niyang magtapos na lamang ang serye niya kaysa maatras muli ang oras ng serye niya.

Sa kaso naman ng HKLM, hindi pala guest lamang si Gretchen Barretto. Malaki ang role na gagampanan niya para lumabas ang mga sikreto na itinatago  ng mga pangunahing tauhan sa serye

Vilma tumatanggi sa mga international filmfest

Hindi naman sa nagmamalaki ang prodyuser ng indie film na Ekstra na si Atty. Joji Alonzo kahit hindi sila makasama sa Cannes  Film Festival noon pero ngayon ay marami siyang tinatanggihang imbitasyon na film festival sa abroad. Pero lubhang napakaabala ni Vilma Santos at ang direktor ng movie na si Jeffrey Jettu­rian. Napakaabala ng aktres sa kanyang gawain bilang gobernador ng Batangas kung kaya maging ang awards night ng Cinemalaya ay hindi niya nadaluhan.

May mga tinanggap siyang dalawang international festival  at baka madadagdagan pa ito depende sa magiging schedule ng gobernadora pero, dito muna sa ating kalapit na bansa sa Asya sila darayo dahil talagang limitado lamang ang panahon ni Gob. Vilma para maiwan ang kanyang trabaho sa Batangas. Mabuti na lamang at mga 12 araw lamang inabot ang shooting ng pelikula kung kaya nagawa niyang maibigay dito ang kanyang panahon kahit mangahulugan na 24/7 siyang magtatrabaho. Sulit naman ang pagpapagod ng aktres, isang magandang pelikula ang nagawa niya na hindi lamang nagkamit ng maraming awards sa katatapos na Cinemalaya Awards night kundi dinumog din ito ng manonood. Ito ang lumabas na pinaka-pinanood na pelikula sa naturang film festival. Natupad ang wish ni direk Jeffrey na kahit hindi  ito manalong best film at hindi siya maging best director ay magiging masaya na silang nanalo lamang na best actress ang kanyang major star na tatlong taon nilang niligawan ng kanilang prodyuser na si Atty. Joji bago nila ito napapayag. Tatlumpung taon naman ang hinintay ni direk Jeffrey para matupad ang pangarap niyang maidirek ang isang Vilma Santos.

MMK ni Alex nag-rate

Pinakatinutukang TV show noong weekend ang kauna-unahang Maalaala Mo Kaya episode ng balik-Kapamilyang si Alex Gonzaga, na  gumanap bilang isang mabuting anak na tiniis ang lahat ng pananakit ng kanyang kinikilalang ate masiguro lamang na makapagtatapos siya ng kanyang pag-aaral sa tulong ng mga umampon sa kanya.

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, most-watched weekend show ang episode ni Alex na nagtala ng 38.6% national TV ratings.

Samantala, ang bagong Kapamilya actress naman na si Meg Imperial ang bumida kagabi  sa MMK bilang Brenda, isang dalagang puno ng duda sa sarili mula nang pagtaksilan ng kanyang dating kasintahan. 

 

ALEX

ALEX GONZAGA

BATANGAS

BUKSAN ANG PUSO

CINEMALAYA AWARDS

ENCHONG DEE

LAMANG

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with