Istorya ni Binoy mas umiinit
MANILA, Philippines - Umiinit ang istorya sa Binoy Henyo sa GMA 7. Hindi nakapasok ang kotse ni Francis (Luis Alandy) sa eskinita at may harang kaya hindi sila nagkita ni Agnes (Sheena Halili).
Sinabi ni Binoy (David Remo) ang kuwento kina Chato and Agnes tungkol kay Francis. Hindi niya nakuha ang pangalan nito.
Sinabi naman ni Francis kay Emily (Gwen Zamora) na nakita na niya ang batang paslit. Wala namang interes si Emily na makinig.
Narinig ni Binoy na aalis si Agnes. Sinabi ni Agnes kay Binoy ang totoo. Nag-walkout si Binoy. Iyak nang iyak! Sobrang nakakaiyak na scene ng mag-ina!!! Sinubukan ni Agnes na magpaliwanag kay Binoy kung bakit kailangan niyang tanggapin ang trabaho sa abroad. (Iiyakan ng lahat ng nanay, kukurot sa dibdib ng mga OFW). Bakit nga ba kailangan mong iwanan ang iyong anak?
Matutuloy nga bang umalis si Agnes? (ito ang aabangan sa susunod na linggo).
Sumali sina Binoy at Lenlen (Angel Satsumi) sa palabas na Kid Galing Kid Henyo show sa TV kasama si Camille Pratts bilang host ng palabas.
Habang nasa bahay naman si Francis ay napanood niya si Binoy sa TV at sinabi niya kay Emily.
Sobrang shocked si Emily at ang kinukuwento palang bata ni Francis ay si Binoy! Paano na ang plano ni Emily?
- Latest