^

PSN Showbiz

Kris nadagdagan na naman ng trabaho

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dalawa na pala ang TV show ni Kris Aquino dahil bukod sa Kris TV, napapanood na sa Lifestyle Network ng ABS-CBN pa rin ang Kris Kitchen na isang cooking show.

Nag-premiere noong Tuesday, 9:30 p.m. ang Kris Kitchen at may replays every Wednesday at 12:00 n.n. at Sundays at 11:30 a.m. at 7:30 p.m. Maraming natuwa sa bagong show ni Kris dahil puwede nilang gayahin ang mga iluluto nito.

Sa August 11 ang balik nina Kris mula sa pilgrimage sa Holy Land. Ang dami nilang pictures ng mga anak na sina Josh at Bimby na naka-post sa Facebook. Lagi nitong sinasabi na great expe­rience sa kanilang mag-iina ang makapunta sa Israel. Na­sa Hongkong na ang mag-iina sa kasalukuyan at namamasyal ngayon sa Disneyland.

Sunshine pagod nang maging mataba

Big scene ang kinunan sa Fernwoods Garden ng Mundo Mo’y Akin, kumpleto ang cast, pero hindi pa last taping day ‘yun. Isa sa mga napupuri sa husay umarte ay si Sunshine Dizon dahil hindi bumibigay kahit sa mga adlib ni Jaclyn Jose na talaga namang nakakatawa.

Sabi ni Sunshine, sa mga unang eksena nila ni Jaclyn, hindi niya napipigilang tumawa, pero nga­yon, nasanay na siya at ganundin daw si Jaclyn off-cam. 

Ang nakakagulat, ‘pag rehearsal, hindi ginagawa ni Jaclyn ang mga nakakatawang dialogue at facial expression nito, ‘pag actual take, saka nag-a-adlib at aminado si Sunshine na mahusay si Jaclyn.

Kinumusta kay Sunshine ang nabalitang conflict nila ni Direk Andoy Ranay sa taping ng Mundo Mo’y Akin. Okay na raw sila, nagkaroon lang ng miscommunication. Ang tsika, pinag-usap sila at ngayon “better than ever” na ang kanilang relasyon.

Sa August 23 na ang last day ng soap at wala pang next project si Sunshine, pero dahil ang kontrata niya’y two soaps a year, alam niyang may kasunod siyang show. For her next soap, gusto niyang payat na siya dahil pagod na raw siyang mataba.

Piolo pinatitirhan na lang kay Benjamin ang nabiling condo

Close pala sina Piolo Pascual at pamangkin niyang si Benjamin Alves dahil sa nabiling unit ni Piolo sa isang condo sa Quezon City nakatira si Benjamin. Hindi lang sure kung ipinahiram lang ni Piolo ang kanyang unit o ibenenta kay Benjamin.

Nakakuwentuhan namin si Benjamin at nagulat sa tsikang during the taping of Unforgettable, hindi lang si Polo Ravales ang nakabangga niya. Sumama rin daw ang loob sa kanya ni Phillip Salvador na gumanap na kanyang ama sa nasabing Afternoon soap ng GMA 7.

 â€œNagulat ako sa issue and I’m sad to hear that. It’s not true, our relationship during taping was great at kung hindi kay Mr. Phillip Salvador, hindi ko magagawa ang mga eksena ko. Sa cast party namin, he gave me a big hug. I believe I have a special relationship with him,” pahayag ni Benjamin tungkol sa balita sa natapos na pinagsamahan nilang serye.

Obvious palang mahilig sa tall girls si Benjamin dahil parehong matangkad sina Max Collins at Janine Tugonon. Ang una’y na-link sa kanya during Coffee Prince time at ang huli’y nali-link sa kanya ngayon. Kaya nang mabanggit ni Benjamin na cute si Kris Bernal, wala sigurong halong pagnanasa ‘yun dahil maliit si Kris at may Carl Guevarra na.

Anyway, waiting sa next project niya sa GMA 7 si Benjamin. Narinig niyang ipapareha siya kay Janine Gutierrez at habang naghihintay, tuloy ang workshop nito at pagpapaganda ng katawan.

Singer natakot mapagkamalang malandi sa music video

Nabasa namin ang sagot ni Jonalyn Viray na “soon po” sa nagtanong kung meron bang official music video ang hit song niyang Help Me Get Over na isa sa dalawang theme songs ng My Husband’s Lover. Ano ‘yun, nag-shoot siya ng panibagong music video o pumayag na siya at ang personal manager niya sa gusto ni Cesar Apolinario na nagdirek ng music video na ipalabas ‘yun ng walang nai-edit na eksena?

Nabalitaan kasi naming hindi pumayag si Direk Cesar na gamitin ang na-shoot niyang music video kung may mai-edit na eksena. Ipinaaalis daw kasi ng personal manager ni Jonalyn ang eksenang umiiyak ito na nagda-drive ng kotse.

Ipinatanggal din daw ng personal manager ni Jonalyn ang eksenang buhat-buhat siya ni Aljur Abrenica na kapareha niya sa music video dahil baka isipin daw nang makakapanood na malandi ang singer. Ano ba ‘yun?

Nang malaman ‘yun ni Cesar na libre pala ang pagdidirek ng music video (pati siguro si Aljur), ayaw nang ipagamit ang music video. Kaya kahit matagal ng tapos, hindi pa rin umeere.

BENJAMIN

DAHIL

JACLYN

KRIS KITCHEN

MUNDO MO

MUSIC

PIOLO

SA AUGUST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with