Family and Child Summit ng MTRCB matagumpay na nairaos
MANILA, Philippines - Ginanap kamakailan ang Family and Child Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Balay Kalinaw sa University of the Philippines Diliman sa Quezon City. Dinaluhan ito ng may 200 pamilya, kabataan, at mga dalubhasa kabilang na ang MTRCB officers and staff, network at TV production representatives, at iba pang indibidwal mula sa iba’t ibang sangay.
Idiniin ni MTRCB Chairperson Toto Villareal ang pagpapahalaga sa mga pamilya na siyang uÂnang bumubuo ng values ng isang bata.
Ang unang naging bisita na tagapagsalita ay chairÂperson of the board ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na si Ms. Emily Abrera na nagsabing ang mga magulang ang dapat maÂging maingat at magturo sa mga bata kung anong progÂraÂma ang dapat panoorin kung nasa loob ng bahay at nakabukas ang telebisyon.
Sumunod namang nagsalita ang psychologist na si Dr. Ma. Lourdes “Honey†Carandang. Ipinaalala niyang ang mga bata ay madaling makatanda at gumaya kung ano ang nakikita sa TV. Para naman sa mga nagdadalaga’t binata na, sinabi ni Dr. Carandang na mas pinipili ng mga ito ang “real characters in media†at naghahanap ng mga bayani sa napapanood bilang role model.
Nagpaunlak din ang celebrity couples na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, Julius Babao at Tin-tin Bersola, at Lander Vera-Perez at Regine Tolentino para magbigay ng kanilang opinion tungkol sa panonood ng mga tamang programa.
Nagkaroon din ng mga discussion at mini-lecture tungkol sa pagiging primary educators ng mga maÂguÂlang sa bahay sa pangunguna nina ChairperÂson Mag Cruz Hatol ng National Council for ChilÂdren’s Television (NCCT); child advocate at MTRCB board member Atty. Eric Henry Joseph Mallonga; at ang mag-asawang Tibbs at Vangie Evalle ng EduChild Foundation.
Nagtapos ang pagtitipon sa pagpirma ng Memorandum of Agreement na magkakaisa ang MTRCB, NCCT, Anak TV, KBP, mga television network, at iba pa. Nagkaroon din ng closing message ang former MTRCB chairperson and Sen. Grace Poe-Llamanzares at nagpapasalamat siya sa dedikasyon sa pangunguna ni Atty. Toto at sa pagpapatuloy ng kanilang adhikain na hindi sila “censor†kundi guÂmagabay sa rating at klasipikasyon ng isang palabas, sa telebisyon man o pelikula.
- Latest