GMA Network wagi sa Volunteers Against Crime and Corruption Awards
MANILA, Philippines - Tumanggap ang GMA Network ng pitong parangal, kasama na ang dalawang Hall of Fame citation, sa nakaraang VACC (Volunteers Against Crime and Corruption) Awards na ginanap nitong Agosto 2 sa Camp Crame sa Quezon City.
Itinanghal na Hall of Fame awardee ng nasaÂbing organisasyon ang GMA Channel 7 matapos nitong mapanalunan ang Outstanding Television Station award ng ilang taon. Napabilang din sa Hall of Fame ang flagship radio station ng GMA Network na DZBB 594 khz para naman sa Outstanding Radio Station category.
Kinilala din ng VACC ang GMA News anchor na si Jiggy Manicad bilang Outstanding Television Anchor para sa late afternoon newscast nito na Quick Response Team sa GMA News TV. Samantala, wagi rin ang senior reporter na si John Consulta bilang Outstanding Television News Reporter.
Tumanggap naman ng Special Award para sa Television Host category ang mga GMA News pillar na sina Jessica Soho at Mike Enriquez. Ang kanya-kanyang programa nila, ang primetime newscast na State of the Nation ni Soho sa GMA News TV at ang Imbestigador ni Enriquez sa GMA 7, ay umani rin ng special award para sa Television Program category. Gayundin, nakakuha ng special award ang senior reporter ng DZBB na si Rowena Salvacion para naman sa Radio Reporter category.
Ang VACC, isang organisasyon na may layong supilin ang krimen at korupsyon sa bansa, ay kasalukuyang nagdiriwang ng kanilang ika-15 na anibersaryo ngayong taon.
- Latest