Populasyon ng Philippine Tamaraw lumalaki na
MANILA, Philippines - Muli na namang sasabak ang mga batikang beterinaryong na sina Doc Nielsen Donato at Doc Ferds Recio sa pagsagip sa mga hayop ngayong Miyerkules, Agosto 7 sa Born to Be Wild.
Noong nakaraang linggo, nakuhanan ni Doc Nielsen at ng kanyang grupo ang mga rarely seen footage ng wild Philippine Tamaraw—mula sa pagkain nito ng damo, hanggang sa pakikisama nito sa mga supling. Magandang balita ang hatid nito dahil ang ibig sabihin ay lumalaki na ang critically-endangered population ng Philippine Tamaraw! Pero hindi pa rito natatapos ang misyon ng grupo. Ngayong linggo, susubukan naman nilang lapitan at makisalamuha sa mga Tamaraw.
Samantala sa Palau, natiyempuhan naman ni Doc Ferds ang may limang giant manta ray na paikut-ikot sa kanya sa ilalim ng dagat. Pero sa ‘di kalayuan, napansin ni Doc Ferds ang isang higanteng pating na may hook sa bibig. Ano kaya ang mangyayari kapag nilapitan niya ito?
Huwag palampasin ang ikatlong yugto ng Philippine Tamaraw at Palau Sharks sa Born To Be Wild ngayong Miyerkules pagkatapos ng Saksi sa Night Shift block ng GMA 7.
- Latest