Star Cinema ipalalabas ang Ekstra sa mga sinehan nationwide
MANILA, Philippines - Waging-wagi ang latest movie ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na Ekstra na humakot ng tropeyo sa kagaganap lamang na Cinemalaya Independent Film Festival, kabilang ang best actress award para sa de-kalibreng aktres.
Sa ilalim ng direksiyon ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian at produksiyon ng Star Cinema at Quantum Films, napanalunan rin ng Ekstra sa Director’s Showcase category ng Cinemalaya ang audience choice award, jury prize, NETPAC, best screenplay para kina Zig Dulay, Antoinette Jadaone, at Direk Jeffrey, at best supporting actress para kay Ruby Ruiz.
Ang Ekstra ay isang drama-comedy film na iikot sa buhay ni Loida Malabanan (Vilma), isang masipag na single mother na ilang taon nang talent na umeekstra-ekstra sa telebisyon at pelikula.
Bilang pagsaludo sa natatanging kuwento at de-kalidad pagkakalikha ng kauna-unahang CineÂmalaya entry ni Ate Vi at bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng 20th anniversary ng Star Cinema, handog ng biggest film studio sa bansa at Quantum Films ang pagpapalabas ng Ekstra sa mga sinehan nationwide sa susunod na Miyerkules (August 14).
Bukod kay Ate Vi, bahagi rin ng cast ng Ekstra sina Ruby, Tart Carlos of Be Careful With My Heart, Cherie Gil, Pilar Pilapil, Nico Antonio, Tom Rodriguez, Direk Marlon Rivera, Vince de Jesus, at marami pang iba.
May special participation rin sa milestone movie ni Ate Vi sina Richard “Ser Chief†Yap, Marian Rivera, at Piolo Pascual.
Huwag palampasin ang Ekstra palabas na sa mga sinehan nationwide sa Aug. 14.
- Latest