^

PSN Showbiz

Maricel pahinga muna sa kadramahan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa mga naging kaganapan sa kanyang buhay, ayaw munang gumawa ng mga madadramang pelikula si Maricel Soriano. Mas gusto niya ng mga comedy, ang maging masaya at magpasaya rin ng mga tao. Feel niya na sapat na ang dramang nangyari sa kanyang buhay para hangarin niyang pati ang kanyang trabaho ay maapektuhan nito. Kaya nga dalawang comedy films ang ginagawa niya sa direksiyon ng kaibigan niyang si Wenn V. Deramas. Ang isa ay ang Oh My Mama Mia na hindi rin nakaiwas na magkaroon ng kontrobersiya pero mabuti na lang at hindi siya kundi ang dalawa niyang kasamahang kabataan sa pelikula na sina Billy Crawford at Andi Eigenmann ang naintriga. Ang ikalawa ay ang isang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) 2013 movie, ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na nagtatampok din kay Vice Ganda.

KC gagawin na uling bida

Nagbunga na ang mahusay na pagganap ni KC Concepcion ng kanyang role bilang seksing si Alexis sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Walang nag-akalang magagawa niyang maging kontrabida dahil kabaligtaran ng kanyang role na nagpahirap sa character ni Judy Ann Santos ang kanyang tunay na katauhan. Pero nagawa niyang magpagalit ng napakaraming manonood sa ginawa niyang pang-aakit kay Eros (Sam Milby).

Nakabawi lamang siya dahil sa kabila nang kanyang obsesyon kay Eros ay naging mabuti siyang ina sa anak nito kay Juday. Marami ang naawa sa kanya sa ginagawang pagtrato sa kanya ni Eros sa kabila nang ginawa niyang pagsagip at pagtulong dito.

Pagkatapos magkontrabida, totoo nga bang si KC na ang napiling mag-Darna?

Raymond Bagatsing overstaying na sa ’Pinas

Pagkatapos na pagkatapos ng kanyang taping para sa Mga Basang Sisiw ay lilipad na pa-US si Raymond Bagatsing para mag-renew ng kanyang re-entry permit dahil nagtatagal na siya sa Pilipinas ng walang papeles. Isa na kasi siyang US citizen. Kapag naaprubahan ito ay muli siyang makapagtatrabaho sa bansa ng dalawang taon. Mga isang buwan din siyang mawawala dahil ang paggawa ng ganitong proseso ay hindi madali. May dalawang taon siyang kontrata sa GMA at dadalawa pa lamang na proyekto ang nagagawa niya sa ilalim ng nasabing kontrata.

Masaya si Raymond dahil dapat ay mga 12-13 weeks lang ang itatakbo sa ere ng Mga Basang Sisiw pero na-extend pa ito ng anim na linggo.

Bukod sa kanyang pag-aartista, may pinatatakbong dalawang Inasal restaurant si Raymond, ang isa ay nasa Scout Madrinan at ang ikalawa ay nasa Dahlia Fairview naman. May mga kasosyo siyang mga kaibigan na mga dating pari na katulong niyang nag-aasikaso ng negosyo. May binuksan din siyang workshop at tuwing weekends ay nagtuturo siya rito ng acting. Pinangalanan niya itong Raymond Bagatsing’s Training Center for Dramatic Arts.

Nagsabi na ng kanyang interes si Rocco Nacino para samahan siya sa kanyang eskuwelahan. Taong 2006 pa nagsimulang maging coach sa acting si Raymond sa US. Sa ngayon, gusto muna niyang mag-train ng mga teacher para sa kanyang center.

 

ANDI EIGENMANN

BILLY CRAWFORD

DAHLIA FAIRVIEW

DRAMATIC ARTS

KANYANG

MGA BASANG SISIW

NIYANG

RAYMOND

RAYMOND BAGATSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with