^

PSN Showbiz

Gretchen nairita nang tanungin tungkol kina Claudine at Raymart: 'Wala na kayong karapatan tanungin ako tungkol sa Barretto family, kayo ba ang God?'

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Gov. Vilma Santos ng pelikulang Ekstra ang nagwaging Best Actress sa Director’s Showcase ng Cine­malaya 2013.

Wala si Gov. Vi na pinag-uusapan sa CCP na kaya hindi dumalo ay dahil wala talagang leakage kung sino ang mga winners. Baka nga naman hindi siya mapiling winner, nakakahiya kung nandun pa siya.

Si Irma Adlawan ng Transit ang best actress sa New Breed category at usap-usapan din doon sa CCP, kung sakaling maglaban daw sina Vilma at Irma sa ilang award-giving bodies, baka puwede pa raw talunin ni Irma si Gov. Vi.

PAK: Pinag-uusapan din doon sa awards night na parang insulto naman daw kay Paulo Avelino na walang napiling winner ang Cinemalaya sa Best Actor category ng Director’s Showcase.

Ang pelikula niyang Sana Dati ang nakakuha ng maraming awards sa Director’s showcase, at napili pa nga roon si TJ Trinidad bilang Best Supporting Actor.

Kaya malaki sana ang laban niya dahil wala namang lead actor ang Ekstra ni Gov. Vi.

Pero mataray ang mga hurado ng Cinemalaya, wala silang pinanalong Best Actor sa Director’s Showcase.

BOOM: Pagkatapos ng awarding, si Gretchen Barretto na ang umeksena nang in-interview ito ng media at tinanong tungkol sa gulo nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, pati ang pinagdaanan ng kanyang pamilya.

Sabi ni Gretchen; “Bakit, ano ang pakialam n’yo sa pamilya ko?”

“Itinakwil na po ako. So in other words, wala na kayong karapatan tanungin ako tungkol sa Barretto family dahil I’m not part of that family anymore. Right now, my family is Tony (husband) and Dominique (daughter), Marjorie and Jayjay (siblings) and the rest of my siblings. Mahirap naman ipilit ang sarili ko sa mga ayaw sa akin,” sabi niya.

Tinanong pa ito ng isang reporters kung ano ang ipinagdarasal niya para kina Claudine at Raymart.

Iritang sumagot ito : “Bakit ko naman isi-share sa inyo? Kayo ba ang God? You are not God. I will not pray to you! I will not share. Stop it! What for, para masaya kayo at bahala na ako? That’s not right. Pati prayers ko pakikialaman niyo? Bakit? Artista ako, that’s all I can give you. I hope you have to learn how to respect people also, respect me.”

vuukle comment

BAKIT

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BEST SUPPORTING ACTOR

CINEMALAYA

CLAUDINE BARRETTO

EKSTRA

GRETCHEN BARRETTO

IRMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with