^

PSN Showbiz

Nakatulong sa show hindi tulad nina Mariah at Nicki J. Lo babalik na sa AI sa presyong $15M

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malapit nang maayos ang muling pagbabalik ni Jennifer Lopez sa 13th season ng American Idol (AI). Makakasama niya si Keith Urban at usap-usapan na ikatlong judge na si will.i.am ng grupong Black Eyed Peas. Si Ryan Seacrest pa rin ang host.

Pinagpilian din palang maging judge ang mga past AI winner na sina Kelly Clarkson at Carrie Underwood. Pero hindi sila maka-commit sa naturang show dahil sa kanilang mga work sche­dule.

Hindi rin maka-commit ang former AI contestant at Oscar winner na si Jennifer Hudson dahil sa mga film commitment nito.

Sa pagbalik ni J. Lo sa show, balitang ba­bayaran ito ng $15 million. Malaking tulong ang American singer-actress nang maging judge ito noong 2010 at 2011. Nakakuha ng mataas na ra­tings ang show, hindi tulad nitong huling season na bumaba ang popularity ng show dahil sa hindi magandang working relationship nina Mariah Carey at Nicki Minaj.

Bukod sa pagiging successful singer, concert performer, and actress, isa na ring TV producer si Jennifer dahil siya ang producer ng hit series na The Fosters ng ABC Family.

AMERICAN IDOL

BLACK EYED PEAS

CARRIE UNDERWOOD

JENNIFER HUDSON

JENNIFER LOPEZ

KEITH URBAN

KELLY CLARKSON

MARIAH CAREY

NICKI MINAJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with