Chito magbabakasyon pagkatapos ng eskandalo
PIK: Suportado si Lorna Tolentino ng mga kaibigan niya sa showbiz nang dumalo sila sa premiere showing ng pelikulang Burgos na closing film sa Cinemalaya Independent Film Festival 2013 sa Cultural Center of the Philippines nung isang gabi.
Maganda ang feedback sa aktres sa magaling niyang pagganap bilang si Mrs. Edita Burgos. Kaya proud na proud naman si LT dahil hindi naman siya nagkamali sa pagpili sa first indie film niya.
Kabado si Lorna nung una pero ngayon ay parang nabunutan siya ng tinik. Pinag-iisipan niya ngang makagawa uli ng isa pang indie film pero ang gusto niyang magdirek ay ang anak niyang si Ralph Fernandez na nakagawa na rin ng ilang short films at documentary.
PAK: Nung lumipat si guwapong singer sa katapat nang sinimulan niyang TV network, tuwang-tuwa ang karamihang staff sa programang papasukan niya.
Pero ngayon ay irita na ang karamihang staff dahil lumalabas na raw ang tunay na ugali nitong si guwapong singer.
Napaplastikan daw sila kay guwapong singer at ilang beses nilang nahuhuling iba ang ipinakita kapag kaharap sila. Hindi raw talaga nila na-feel ang sincerity sa mga sinasabi nito.
Ang isa pang ikinairita nila kay guwapong singer ay palautos pa raw ito.
BOOM: Hindi naman pinatagal pa ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar ang isyung pagkalat ng sex video nila ng girlfriend niyang si Neri Naig. Kaagad naman niyang inamin at naglabas na ng statement sa kanyang Instagram na humihingi siya ng paumanhin sa kanilang pamilya sa eskandalong ito.
Nagpasalamat din siya sa kanilang mga supporter na nagdasal daw para sa kanila. Nang kumalat ito sa halos lahat na social network sites, nagkaroon ng show ang Parokya ni Edgar sa isang event sa SM Megamall nung isang gabi. Dinagsa ito ng napakaraming tao para suportahan si Chito at ang buong banda.
Nakatakda raw muna magbakasyon si Chito para palamigin ang naturang isyu.
- Latest