^

PSN Showbiz

Mga kakaibang kaalaman sa AHA! at Born Impact back to back

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuklasin ang mga kagila-gilalas na kaalaman mula sa AHA! at Born Impact ngayong Linggo, Agosto 4.

Samahan si Drew Arellano na alamin ang mga ”siksik” na bagay simula sa AHA! Ang ilang ”stuffed toys” na paboritong laruan ng mga bata, puwede palang siksikan ng scented pellets at lagyan ng sound effects. Kilalanin rin ang isang taxidermy enthusiast na may mahigit 50 stuffed animals hango sa mga totoong hayop. At ang ilang stuffed food gaya ng longganiza, hotdog, at “lechonok” o lechon na may stuffing na manok, bibida rin.

Susunod naman ang Born Impact tampok ang mga kakaibang field mission ng mga resident veterinarian nito. Ngayong Linggo, samahan sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato na gamutin ang ilang mababagsik na hayop.

Isang saltwater crocodile na may deformed snout ang kailangan pakalmahin ni Doc Nielsen sa Batangas para magamot. Pupuntahan din niya ang ilang malnourished na cassowary, isang breed ng ibon mula sa New Guinea, na sadyang matapang at nakakamatay ang mga matutulis nitong kuko.

Si Doc Ferds naman, bibisitahin ang isang animal rescue center sa Cagayan de Oro para gamutin ang ilang mababangis na python na may “mouth rot” at isang unggoy na sugatan ang kamay.

Huwag palampasin ang back-to-back episodes ng AHA! at Born Impact ngayong Linggo simula 9 a.m. sa GMA 7.

 

BORN IMPACT

DOC FERDS RECIO

DOC NIELSEN

DOC NIELSEN DONATO

DREW ARELLANO

LINGGO

NEW GUINEA

NGAYONG LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with