Ryan hinihilot ng TV5 para hindi lumayas
Sa gitna ng mga balitang hihintayin na lang ni Ryan Agoncillo ang finals ng Talentadong Pinoy Worlwide ng TV5 at lilipat na ng ibang network, gumaÂgawa pa rin ng paraan ang TV5 na hindi umalis sa kanila ang TV host-actor. From a source, nalaman naming nakikipag-usap din ang management ng TV5 at nag-o-offer ng panibagong kontrata.
Si Ryan na at ang manager nitong si Noel Ferrer ang magde-decide kung magre-renew ng kontrata sa TV5 o totohanin ang tsika na babalik sa GMA Network si Ryan. Hindi nga ba’t wini-welcome na siya ng mga taga-Unang Hirit?
Samantala, malaking pasabog ang mangyayari sa finals ng Talentadong Pinoy na tinawag ng TV5 na Battle Royale. Star-studded ang celebrity talent scouts na sina Judy Ann Santos, John Santos at ang Kapatid stars na sina Aga Muhlach, Edu Manzano, Derek Ramsay at Sharon Cuneta. Sina Aga, Derek at Sharon ay first time na magiging celebrity talent scouts.
Sa Cuneta Astrodome sa August 18 ang grand finals.
Ynna pipirma ng kontrata sa Dos, Mark Herras tuluyan nang iniwan
Nag-post sa kanyang Facebook account ng mahabang message at ang daÂting kaagad ng mga nakabasa, goodbye message na ni Ynna Asistio sa GMA Network ‘yun.
Heto ang message ni Ynna: “If it wasn’t for GMA other doors would have not opened for me. In light of this, would like to take this opportunity to express my heartfelt thanks to you for giving me the opportunity to be who I wanted to be. I certainly learned a lot from you and I will carry that in my heart forever. I wish GMA continued success and you will always be a part of me...its time for me to move on and spread my wings to be able to learn even more. Thank you GMA.â€
Walang sinabi si Ynna kung saan siya lilipat, pero malakas ang pakiramdam ng mga nakabasa ng kanyang post na sa ABS-CBN siya pipirma ng kontrata dahil nasa Kapamilya Network na ang inang si Nadia Montenegro at nasa cast ng Be Careful With My Heart ang isa niyang kapatid.
Isa pang senyales na magiging talent ng ABS-CBN si Ynna ay nang may mag-suggest na sabihin niya kay Mr. M na kumanta rin siya at sagot ni Ynna, sinabi na niya sa head ng Star Magic na gusto niyang kumanta.
Sa paglipat na ito ni Ynna sa ABS-CBN, parang naging slim ang chance na magkabalikan pa sila ni Mark Herras. Lalo silang hindi magkikita kung magkaiba na sila ng network.
Winner sa Protegé 2 bibida sa Pyra
After Kim Rodriguez, si Thea Tolentino naman ang ilu-launch ng GMA 7 sa Afternoon Prime soap na Pyra : Ang Babaing Apoy . To be directed by Roderick Lindayag ang launching project ni Thea na female winner ng Protegé 2 at dahil si Jeric Gonzales ang male winner ng talent search at sila ang magka-love team sa Teen Gen, baka sila rin ang gawing magka-love team rito.
Intriguing ang teaser ng Pyra dahil mata lang ng isang babae ang ipinakikita tapos may pumatak na luha at nag-apoy na.
- Latest