^

PSN Showbiz

Magaling na aktres nag-iba ang ugali nang sumikat kaya walang nagtatagal na alalay at katulong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mu-Mu-Monsters ang episode na mapapanood sa One Day Isang Araw bukas ng gabi.

Tungkol sa batang si Dang na takot na takot na matulog nang nakapatay ang ilaw sa kanyang kuwarto dahil naglalabasan ang mga halimaw o monster.

PAK: Totoo kayang wala na namang alalay ngayon itong si magaling na aktres na nagho-host din dahil sa walang nakakatagal sa kanya?

Pati nga sa bahay ay mag-isa na lang ngayon dahil nilalayasan pa rin ng mga kasambahay niya.

Kuwento ng isang talent coordinator, naloloka siya kay magaling na aktres dahil dalawang beses na nangyari sa kanya na kapag tumatawag ito sa personal assistant o PA para makipag-coordinate sa schedule ay wala na pala ito sa kanya.

Paiba-iba raw ng PA dahil sa wala ngang nakakatagal sa kanya. Pati nga ang mga close friend ay medyo lumalayo na rin dahil ang laki na nang ipinagbago ni aktres magmula nang sumikat ito.

BOOM: Aalis patungong Amerika si Charice para kumanta ng national anthem ng Amerika sa isang event sa Chicago.

Kinakabahan ang Pinay international singer dahil first time niyang magpe-perform sa Amerika pagkatapos niyang mag-out na isa na siyang tibo.

“Kinakabahan ako dahil alam kong milyun-milyon ang manonood, ilalabas sa television, and to sing the American national anthem. So, lahat ng pressure nasa ’yo,” pahayag nito.

Hindi niya kasi alam kung paano siya tanggapin, at bukod pa dun, baka magkita pa sila ng ninang Oprah Winfrey niya na matagal na niyang hindi nakikita.

AALIS

AMERIKA

CHARICE

DAHIL

KINAKABAHAN

KUWENTO

MU-MU-MONSTERS

ONE DAY ISANG ARAW

OPRAH WINFREY

PATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with