Dahil sa tambak na trabaho Ogie isinugod na naman sa hospital
Nabasa namin ang tweet last Monday ni Ogie Alcasid na dinala siya sa ospital dahil the night before (Sunday) ay nakaramdam siya nang panghihina. Sumailalim siya sa MRI o Magnetic Resonance Imaging at sinundan ng EEG o Electroencephalography. Nagpasalamat ang singer-songwriter-comedian sa magandang result.
Tweet nito: “MRI is good. God is in control. TY to my wife for watching over me.â€
Kinabukasan nag-tweet ito ng “EEG is good!â€
Kundi kami nagkakamali, second time na naospital ni Ogie dahil a month ago ay hinimatay siya at kinailangan dalhin sa ospital. He underwent several tests kasama ang blood test at masaya nitong na-tweet na okay lahat ang results ng tests na ginawa sa kanya.
Kailangan sigurong magbawas ng trabaho si Ogie dahil ang bigat ng kanyang workload. Hindi lang ang I Write the Songs concert niya siya busy para sa Aug. 16, nagpo-promote pa si Ogie ng pelikula at may Ogie Cup pa siya sa Aug. 19. May OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) pa siyang inaasikaso at kung anu-ano pang ibang bagay.
Samantala, nakilungkot ang fans ng Bubble Gang nang mabasa ang tweet ni Michael V. noong Monday na “First official #BubbleGang taping without @ogiealcasid. Missing you brother.â€
Tom biglang naging in demand sa pelikula
Just the Way You Are ang working title ng movie nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa Regal Entertainment, Inc. to be directed by Jun Lana.
May look test ang dalawa last Sunday pero si Carla lang ang dumating. Hindi available si Tom dahil may sakit.
Dapat din nasa Cultural Center of the Philippines (CCP) si Tom sa gala screening ng Babagwa dahil siya pala ang kumanta ng theme song ng indie film na Pusong Bato pero hindi rin siya nakarating for the same reason. Pinagpahinga siya ng doctor for two days para mabilis gumaling at makabalik sa trabaho.
Sunud-sunod ang movie ni Tom, may Bekikang pa siya sa Viva Films at may isa pang movie project kaming narinig. May mga endorsement ding dumarating sa kanya na bawal pang sabihin dahil hindi pa sarado ang usapan.
Aminado si Tom na lahat ng offers at blessings na dumarating sa kanya ay dahil sa My Husband’s Lover kaya thankful siya sa pagdating ng beki serye.
Gary V. magdiriwang ng 30th year sa Teatrino
Kung si JC de Vera pumirma ng kontrata sa ABS-CBN last Monday, si Gary Valenciano nama’y nag-renew ng kontrata sa nasabing higanteng istasyon. Nagkita sila ni JC dahil pareho silang nagbigay-pugay kay Ms. Charo Santos-Concio.
Anyway, to celebrate his 49th birthday on Aug. 6, may series of concerts siya sa Teatrino sa Greenhills, San Juan City na magsisimula sa araw ng kanyang birthday dubbed Tuesdays with Gary. Celebration din ito ni Mr. Pure Energy ng kanyang 30th anniversary sa showbiz kaya triple special ang show na produced ng Manila Genesis Entertainment.
Mapapanood ang Tuesdays with Gary sa Aug. 6, 13, 20, 27, at Sept. 3, 10, 17, and 24.
Tickets are priced at P2,000, P1,500, P1,000, at P500.
Mon Confiado nagpatanda, nagpakalbo, nagpataba, at nagpakuba para lang sa Cinemalaya
Ipinakita sa amin ni Mon Confiado ang pictures niya sa kanyang iPhone ng different characters na kanyang ginampanan sa TV at pelikula. For The Diplomat Hotel, entry sa New Breed category ng Cinemalaya Independent Film Festival kung saan ay ginampanan niya ang anak owner ng hotel at nagsilbing guide ng reporters na ginampanan ni Gretchen Barretto, sobra ang effort niyang baguhin ang hitsura.
Umabot sa 40 lbs. ang ibinawas niya sa kanyang timbang. From 170 lbs., he was down to 150 lbs., but now he’s back to 160. Tumanda ang hitsura niya, nagpakalbo, at naghitsurang kuba.
Sabi ni Mon, nagpi-pay off ang effort niya dahil hindi siya nawawalan ng project at mapapanood na rin siya sa South Korea. Lead siya sa movie na Bad Blood na kasama sa Network of Asian Fantastic Films at kasama rin siya sa next movie ng direktor na si Chris Castillo na 1,000 Bullets.
Siguradong ibang Mon na naman ang mapapanood natin sa dalawang pelikula.
- Latest