Squatters sa QC binantaan ang movie ni Mayor Herbert
SEEN: Umamin si Korina Sanchez sa kanyang programa sa radyo na pahinga siya sa mga balita tuwing weekend kaya hindi niya alam ang detalye ng pagpapasabog sa isang mall sa Cagayan De Oro.
SCENE: Buo ang pag-asa ni JC de Vera na magiging masigla ang kanyang acting career dahil sa paglipat niya sa ABS CBN.
SEEN: Nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN si Gary Valenciano. Magkasabay na pumirma ng kontrata sina Gary V. at JC noong Lunes.
SCENE: Dapat palitan ang stylist ni Louise delos Reyes sa Mundo Mo’y Akin dahil mga damit na hindi bagay sa kanya ang ipinasusuot.
Ginagawang fashion victim ng stylist si Louise.
SEEN: Malapit nang maging ama ang model/actor na si Andrew Wolff. Magsisilang sa susunod na buwan sa kanilang panganay ang kanyang model/girlfriend na naging biktima noon ng identity theft sa Facebook.
SCENE: Mabigat ang pang-aabuso na bintang ni Claudine Barretto kay Raymart Santiago. Hindi pa nakakalimutan ng publiko ang mga video ng pagwawala ni Claudine sa airport at sa bangko.
SEEN: Pinanindigan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang pahayag na umiiral sa lahat ng sulok ang mga professional squatter na na-offend at nangako na hindi nila susuportahan ang Raketeros, ang comeback movie ni Herbert.
Ang magpaupa ng mga bahay na nakatayo sa mga lupa na hindi nila pag-aari ang raket ng mga professional squatter.
SCENE: Wala pang TV network na nalilipatan ang newscaster na si Alex Santos. Inalis sa tungkulin at hindi nag-resign sa ABS-CBN ang tunay na dahilan ng pagkawala ni Alex sa mga news program ng Kapamilya Network.
SEEN: Inilunsad noong Lunes ang bagong set at 28-seconder Opening Break Bumper (OBB) ng TV Patrol.
- Latest