^

PSN Showbiz

AiAi natuto nang mahalin ang sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kababalik pa lamang ni AiAi delas Alas mula sa kanyang bakasyon sa Amerika. Nakasama roon ng aktres ng halos isang buwan ang mga anak na sina Sancho, Nicolo, at Sophia.

Matatandaang umalis si AiAi pagkatapos maki­pag­hiwalay sa asawang si Jed Salang.

Marami raw natutunan ang aktres sa kanyang mga naging karanasan sa piling ng dating asawa.

“Love yourself and kapag minahal mo ’yung sarili mo, makakita ka ng totoong magmamahal sa iyo and God is so great. God is so loving. Siya lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit Niya binibigay, parang Thy will be done,” nakangiting pahayag ng Comedy Concert Queen.

Samantala, sa susunod na eleksiyon ay nanga­ngarap si AiAi na sumabak na rin sa pulitika. Nais daw niya na kumandidato bilang congresswoman at matagal na niya itong gusto.

“Matagal ko nang gusto. Kaya lang kasi nag-usap kami ni Gov. Vi (Vilma Santos), ni Ate Vi, na ‘Kung papasok ka ng pulitika, by heart gawin mo ito kasi gusto ko kapag dumating ka na sa point na ’yun, gusto ko karirin mo talaga ang pagiging politician mo.’ Kumbaga, ikaw ang iibig sa tao. Even before pa kasi may mga law ako na gusto ko rin ibahagi. ’Yung mga violence against women and children, ’yung about sa ta­yong mga babaeng nahihiwalay (dapat) may pera. At naiintindihan kung ano ’yung nangyayari sa buhay nila. So, gusto kong tumulong,” pagbabahagi ng Kapamilya actress.

JC ini-expect nang mapapagod sa projects ng kapamilya

Certified Kapamilya na ang aktor na si JC de Vera dahil pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN noong Lunes. At ayon sa binata, matagal na niya itong pinapangarap.

“Lahat ito very overwhelming sa akin. Dream come true ito. Alam naman ng lahat na hindi madaling makapasok dito sa network and lahat itong nangyari hindi ko ini-expect kaya ako sobrang saya and very grateful of course,” nakangi­ting bungad ni JC.

“Very eager ako to learn and makatrabaho ko ’yung mga tao rito. Sana matuwa ’yung mga tao na nandito na ako and sana ipagdasal nila ako na magawa ko ’yung lahat na ipapagawa sa akin ng ABS-CBN. Masaya ako,” giit ng binata.

Nakatakda nang gumawa ng isang Maalaala Mo Kaya episode si JC bilang una niyang proyekto sa Kapamilya Network.

“Grabe ’yung expectations ko rito kasi very ta­lented lahat dito. Hindi ko masasabing kaya ko i-perfect lahat ’yan pero sure ako na gagawin ko lahat ng ibibigay sa akin sa ABS-CBN. So, kung ipasok ako sa drama or sa action, mas gusto ko ’yun. Meron akong ginawa na comedy show sa kabilang network so more or less kahit paano kaya ko siya. Isang reason din ’yun kung bakit na-excite akong pumunta rito kasi alam kong mapupunta ako sa kung saan mapapagod talaga ako. Up ako do’n sa challenge na ’yun,” paliwanag ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

 

AKO

ATE VI

CERTIFIED KAPAMILYA

COMEDY CONCERT QUEEN

GUSTO

JED SALANG

KAPAMILYA NETWORK

LAHAT

MAALAALA MO KAYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with