^

PSN Showbiz

Dugong Buhay hanggang September pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Extended hanggang Setyembre 2013 ang consistent top-rating afternoon series ng ABS-CBN na  Dugong Buhay na pinagbibidahan ng Kapamilya Gold hunk na si Ejay Falcon.

“Ang saya ko po at ng buong cast and crew nang malaman namin na extended ang show dahil ibig sabihin sulit ang pinagpapaguran namin linggo-linggo at ang marami kaming napapasayang manonood,” pahayag ni Ejay.

“Natutuwa rin ako kasi mas makikilala pa ng mga tao ang bagong Victor at makakasama sila sa mga darating pa niyang laban sa buhay.”

Mula nang umere ang Du­gong Buhay noong Ab­ril, maraming TV viewers na ang na-hook sa TV remake ng nobela ni Carlo J. Caparas at mala-pelikulang pagkakagawa ng hit Kapamilya action-drama se­ries na sa ilalim ng direksyon ni Toto Natividad

Sa ganda ng kuwento ng kanilang serye, mismong si Ejay ay may natututunan sa kanyang sikat na karakter na si Victor. Aniya, “Sa lalim na ng ko­neks­yon ko sa role ko, minsan ang pakiramdam ko ako na talaga siya. Pero sa totoong buhay naman, hindi kami nagkakalayo ni Victor kasi pareho kami na sobrang pinahahalagahan ang mga pamilya namin.”

Ayon kay Ejay, mas tututukan ng TV viewers ang mga eksenang tampok sa mga susunod na episode sa Dugong Buhay, lalo na ang maiinit na engkwento nilang magkakadugong De Lara.

“Napakadami pang maaaksiyon at madramang eksena bubuhay sa dugo ng viewers sa hapon. Dapat abangan nila kung paano lalamunin ng galit si Victor at ano ang mga gagawin niya upang sirain ang sarili niyang pamilya,” ani Ejay.

vuukle comment

ANIYA

AYON

CARLO J

DE LARA

DUGONG BUHAY

EJAY

EJAY FALCON

KAPAMILYA GOLD

TOTO NATIVIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with