^

PSN Showbiz

Bianca biglang lumayas nang makita si Dennis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Type ng mga bata itong One Day Isang Araw na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Mamayang gabi ay tungkol sa pambu-bully ang ilalahad na kuwento na kung saan gaganap si Marc Justine bilang si Billy na nabu-bully dahil mas gusto niya ang pagsasayaw kesa sa pag-aaral ng Tae Kwon Do.

Kinakantiyawan tuloy na bading at ina­api ng mga kaklase. Dito na rin nakikita kung bakit naging bully ang isang bata.

PAK: Hindi nagpansinan sina Dennis Trillo at Bianca King sa press launch ng YES! 100 Most Beautiful Stars nung isang araw.

Pagdating ni Dennis kasama si Tom Rodriguez, hindi nagtagal ay umalis na rin si Bianca.           

Sabi naman ni Dennis, okay naman sila ni Bianca. Hindi nga lang nagkaroon ng pagkakataong magkausap silang dalawa.

Itinatanggi rin nito ang balitang nagkabalikan sila ni Cristine Reyes. Naging close lang daw si Cristine sa pamilya niya kaya minsan ay may komunikasyon siya sa mga ito.

BOOM: Mapapanood na rin mamaya sa Startalk ang tungkol sa isang alumnus ng Starstruck na nagpakasal sa isang operadang bading.

Kaya lang, hindi komportable si dating aktor na taga-Starstruck na pag-usapan ang pagpapakasal sa isang bading dahil baka mapapanood daw ng kanyang anak sa dating asawa.

Napag-alamang kaya nagpakasal ito kay operadang bading ay dahil sa bongga naman talaga ang naibigay sa kanya.

May dalawang condo unit na si ex-Starstruck sa Pasig City, may dalawang kotse, at nagpapatayo na ito ngayon ng dream house niya sa sarili niyang bayan.

Gusto man niyang itago sana ang naturang relasyon, wala siyang magagawa dahil proud na proud si operadang bading sa pagpapakasal sa kanya nitong dating aktor.

Abangan sa Startalk ang kabuuan ng kuwento.

BIANCA

BIANCA KING

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

MARC JUSTINE

MOST BEAUTIFUL STARS

ONE DAY ISANG ARAW

PASIG CITY

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with