Marian gusto nang maging freelancer
SEEN: Ang balita na gusto ni Marian Rivera na maging freelance artist kapag nag-expire ang exclusive contract niya sa GMA Network, Inc. Matatapos sa susunod na buwan ang exclusive contract ni Marian sa GMA 7.
SCENE: Inaabangan ang guesting ni Marian Rivera sa The Buzz dahil ipo-promote niya ang Kung Fu Divas. Ang Star Cinema ang magre-release sa mga sinehan ng pelikula nina Marian at AiAi delas Alas. Si Direk Onat Diaz ang director ng Kung Fu Divas na director din ng The Buzz.
SEEN: Mananatiling Kapuso artist si Rachelle Ann Go dahil ni-renew niya kahapon ang exclusive contract sa GMA 7.
SCENE: Ang former actor na si Lee Robin Salazar ang host ng Bb. Pilipinas-USA Beauty Pageant na gaganapin sa ngayong sa Centinela Center for the Arts, Lawndale, California. Co-host ni Lee Robin si Venus Raj.
SEEN: Nag-isip ng isasagot ang character actor na si DJ Durano nang tanungin siya sa presscon ng Ang Huling Henya tungkol sa estado ng friendship nila ng direktor na si Wenn Deramas. Dumalang ang TV exposures ni DJ mula nang magkaroon sila ng hidwaan ng kanyang mentor.
SCENE : Para kay Rufa Mae Quinto, Ang HuÂling Henya ang kanyang pinakamagandang pelikula dahil mala-Angelina Jolie ang papel na ginampanan niya. Proud si Rufa Mae dahil hindi siya gumamit ng false eyelashes at makeup sa mga eksena niya sa Ang Huling Henya.
SEEN: First and last movie ni Ayen Laurel para sa 2013 ang Ang Huling Henya dahil buntis siya sa second baby nila ni Franco Laurel.
SCENE: Ang report ng Box Office Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong July 17 hanggang July 21.
- Latest