^

PSN Showbiz

Cha-Cha Cañete ng Goin’ Bulilit panalo sa WCOPA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang child star ng hit kiddie gag show na Goin’ Bulilit na si Cha-Cha Cañete ay nagtagumpay sa naganap na 17th World Championships of Performing Arts (WCOPA) at nakakuha ng dalawang medalya mula sa Hollywood, California sa kompetisyon na ginanap mula Hulyo 12 hanggang 21.

Napabilib ni Cha-Cha ang lahat ng mga manonood pati na rin ang mga nag-judge sa kanyang pagkanta sa limang kategoryang sinalihan niya.

Sa murang edad pa lamang na walong taong gulang, nabigyan siya ng dalawang Silver award para sa kanyang performance ng The Climb sa Pop Category at Climb Every Mountain sa Gospel Category.

Maliban kay Cha-Cha, malaking tagumpay din ang nakamit ng Team Philippines laban sa higit pa sa 50 na bansa.

Ang pinakamataas na titulong Senior Grand Champion ay napunta sa Philippine representative na si Beverly Caimen, habang ang titulong Junior Grand Champion of the World ay napunta kay Aldeza Ianna de la Torre.

Grand slam ang nakamit ng Team Philippines sa kanilang pagkapanalo sa parehong dibisyon.

Ang pagbigay rekognisyon sa ating bansa ay nadagdagan pa ng Gollayan Sisters na tinanghal na Grand Champion Vocal Group of the World, at ni Reynaldo Gorospe, Jr. na nanalong Grand Champion Male Model of the World na pinakaunang pambato ng Pilipinas sa Modeling Category.

Ang Pinoy na unang nakatanggap ng titulong Senior Grand Champion Performer of the World at Senior Grand Champion Vocalist of the World noong 2005 na si Jed Madela ay na-induct din sa WCOPA Performing Arts Hall of Fame. Ang Pinoy Dream Academy scholars na sina Chivas Malunda at Laarni Lozada ay kasama sa mga nag-uwi ng mga medalya.

Dahil sa mga nakamit na panalo, idineklara rin ang National Director ng Team Philippines na si Gerry Mercado na 3rd Best National Director.
29 na miyembro ng Team Philippines ang nakatanggap ng iba’t ibang award sa WCOPA ngayong taon.

Nakauwi sila ng 43 na Gold, 38 na Silver, at 26 na Bronze. Nakatanggap din ang team ng apat na Industry Award.

Ang Philippine Team para sa WCOPA ay pinangunahan nina WCOPA International Director na si Annie Mercado, WCOPA-Philippines National Director na si Gerry, at ang mga official talent scout na sina Charie Vega at Lito Napolitano na nagmula sa Pilipinas, si Royce Pellerin mula sa Japan, at si Dr. Molina mula sa Saudi Arabia.

 

vuukle comment

ALDEZA IANNA

ANG PHILIPPINE TEAM

ANG PINOY

ANNIE MERCADO

BEST NATIONAL DIRECTOR

BEVERLY CAIMEN

CHA-CHA CA

CHARIE VEGA

CHIVAS MALUNDA

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with