Martin hindi malimutan ang kanyang downfall!
Natutuwa kami na sunud-sunod ang concert na sana tangkilikin din gaya nang pagtangkilik ng fans sa foreign artists at K-Pop artists na dumarating.
Mauuna si Ogie Alcasid with his I Write The Songs sa MOA Arena sa August 16. Celebration ito ng 25th anniversary ng singer-songwriter, kaya double special ang inihahandang show ni Ogie sa direction ni Rowell Santiago.
Next ang concert series ni Gary Valenciano sa Teatrino billed Tuesdays With Gary. All Tuesdays ng August at September ang schedule nito so we presume, sa August 6, ang simula na birthday din ni Gary. Gusto namin ang title ng concert na halaw sa libro ni Mitch Albom na Tuesdays With Morrie.
Sa September 13 naman ang concert ni Martin Nievera dubbed 3D (Tatlong Dekada) at selebrasÂon ng 30 years niya bilang entertainer. Sa Smart Araneta Coliseum ang concert, produced ng Viva Live Inc., at Redstone Media productions, musical director si Louie Ocampo at ABS-CBN Philharmonic Orchestra conducted by Gerald Salonga at si Rowell din ang director.
Walang nakalagay sa poster kung sino ang guests ni Martin sa kanyang concert, pero binanggit ang anak na si Robin Nievera.
Mga kantang sinulat at pinasikat niya ang kakantahin, in fact, 99.9 percent ng repertoire ay sarili niÂyang kanta. Natawa nga kami sa sinabi nitong “I want to cover myself.†LOL!
Naging senti si Martin sa sagot sa tanong ng three memorable moments sa 30 years niya bilang entertainer.
“My first concert sa Folk Arts Theater, naiyak ako nang lumabas ako ng stage. Becoming a father for the first time and my downfall,†sagot nito.
Paolo bawal munang maging bading
Hindi natuloy sa My Husband’s Lover si Paolo Ballesteros, siya sana ang gaganap sa role ni Zandro, ang gay cousin ni Vincent (Tom Rodriguez). Ang dinig namin, hindi muna pinayagang gumanap na bading si Paolo dahil siguro nagmu-mujer na siya sa Eat... Bulaga.
Si Keempee de Leon ang ipinalit kay Paolo.
Baguhang Kapuso aktor gagawin munang paningit
Sa sinabi ng Kapuso actor na si Juancho TriÂviño na habang wala pang maibigay sa kanya na regular show ang GMA 7, isisingit daw muna siya sa mga umeereng show ng network, biniro siya ng press. Siya na raw ang “Lalakeng Ryza Cenon†na ipinapasok sa mga show ng istasyon and there was a time na umikot ang aktres sa mga show ng network Hindi na-offend si Juancho kung isisingit muna siya sa mga show ng network, kesa wala siyang ginagawa. Ang alam niya, may naka-line up na show sa kanya at mga kasama sa Teen Gen, pero habang wala pa siyang regular show, okey sa kanya na maging paningit muna. Ibabalik ang karakter niya sa Pepito Manaloto bilang nambu-bully kay Jake Vargas.
Leading man material si Juancho form his looks and height, kumbaga total package, ang acting talent na lang ang kailangang lumabas. In fairness sa kanya, tuluy-tuloy ang acting workshop ng 20-year-old Kapuso talent para mas mag-improve pa siya.
Open magpa-sexy si Juancho.
- Latest