Christian may sakit dahil sa paghihiwalay nila ng GF?!
May sakit si Christian Bautista nang makausap namin sa taping ng morÂning show ng GMA 7 na With a Smile. Wala naman sigurong kinalaman ang break-up ng singer-actor sa Romanian-Chinese GF nitong si Carla Dunareanu dahil ilang araw na ang nakaraan mula nang maghiwalay ang dalawa.
Dahil sa sakit, mabilis tinanggap ng press ang pakiusap ni Christian na wala munang tanong tungkol sa kanyang love life.
Maliban sa sakit, okay ang tingin namin kay Christian, nakakangiti at ganadong magkuwento sa rami nang ginagawa niya. Ang pagiging sobrang puno ng schedule ang sinasabing isa sa mga rason sa break-up nina Christian at Carla dahil Monday to Sunday siya nagtatrabaho.
Next year, babawasan ni Christian ang work load niya na hanggang December 25 pala. Kaya next year, balak niyang magbakasyon kundi sa Europe ay sa States. After his vacation, alalay na siya sa pagtanggap ng project.
Aktor gustong bumalik sa kanyang dating network
Kung si Ogie Alcasid na taga-GMA Network ay lilipat sa TV5, may taga-TV5 naman na posibleng lumipat sa Kapuso Network. Inalam ng mga bossing ng Kapuso Network ang status ng TV Personality sa TV5 sa isang kaibigan nito at ipinatanong kung gusto niyang magtrabaho sa kanila.
I’m sure nakarating na sa pamunuan ng Kapatid Network na interesado sa kanya ang GMA. If ever matuloy lumipat sa Ch. 7 ang TV5 talent na ito, bale babalik lang siya sa Kapuso Network dahil minsan na rin siyang gumawa ng soap sa istasyon.
Ang bale problema na lang, may kontrata pa sa TV5 si TV personality at may show pa siyang umeere.
Kapuso direktor nasa teritoryo ng TV5
Nakita namin sa grand finals ng Philpop 2013 na ang TV5 ang may coveÂrage ang isang director na taga-GMA 7. Nang tanungin ang director sa preÂsence niya sa Meralco Theater, ang sabi’y sumuporta lang siya kay Ms. Wilma Galvante na nasa TV5 na ngayon at isa sa mga hurado ng finals ng Philpop.
Pero hindi doon nagtapos ang tsika dahil nalaman naming ang nasabing director pala ang unang in-offer ng TV5 na magdirek sa TV coverage ng Philpop. Kaso hindi siya pinayagan ng GMA Network, kung saan may kontrata siya.
Ang dinig namin, sumulat pa ang GMA Network sa TV5 para sabihing hindi puwedeng magtrabaho sa kanila ang director kahit special event dahil nga may existing contract ang director sa Ch. 7.
Ayaw nang magsalita ng director tungkol sa isyu na mabuti at hindi na lumaki at lumabas na lang after ng Philpop. Ang sagot nito sa pangungulit naÂmin ay ang pagsasara ng kanyang bibig na paÂrang sa zipper na ang ibig sabihin, sarado ang bibig niya.
Serye ni Lovi sa august na eere
Sa August na ang aiÂring ng Akin Pa Rin Ang Bukas, ang primetime soap na pagbibidahan ni Lovi Poe dahil exÂtenÂdÂÂÂÂed ng one month ang Mundo Mo’y Akin na papalitan dapat ng soap ni Lovi.
- Latest